Gumising ako ng panibagong buhay, panibagong pahina nanaman sa aking talambuhay. Hay Salvy! Ano ba yan iniisip mo! Siraulo ka talaga!
Nag stretch muna ako ng katawan sa may terrace bago ako maliligo at mag aayos ng gamit
Habang binuksan ko yung pack bag ko para kumuha ng damit…
Brown Envelope? Ay hindi salvy, pink! Shunga!
Binuksan ko ito ay may dalawang susi sa loob! At letter pa!
Binasa ko muna yung letter
Yang isang susi at sa condo, at ang isa naman ay sa sasakyan mo. Ikaw na bahalang humula sa mga susing yan! :)
Love, Kuya Zach.
KUYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAZAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAACHHHHHHHHHH!! Sigaw ko kaya nagsilipad yung mga ibon palabas sa suite ko
Tinawagan ko naman agad si kuya zach
SALVACION! Bakit- pinutol ko siya
KUYA ZACHARIAS!! ANO ITO?! Sigaw ko sa kanya
Maka sigaw ka parang walang bukas eh! sabi niya
Sagutin mo ako!! Ano ito?! Galit kong untas sa kanya
ANONG ANO?! Sigaw niya na halatang iritang irita na
ITONG DALAWANG SUSI!! Kuya zach! How many times I’ve told you that I don’t need these!! Sigaw ko sa kanya
Alam mo ang O.A mo! Kung ayaw mo niya edi wag! Iritang untas ni kuya zach saakin
Ewan ko sayo! Paano ako magiging independent dito! Eh sa mga kinikilos niyo palang, para niyo akong minamanmanan dito! Grrr! Sabi ko
Alam mo salvy, ang gusto lang namin ay safe ka! Eh kung ayaw mong gamitin yan, edi wag! Aniya
HINDI NAMAN TALAGA! At itong 2 weeks kong paninirahan dito sa presidential suite ng The Alonzo Hotel? Ano to?? Kala ko 3 araw lang?! you think kuya zach we’re shttng moneys here?! Sabi ko
Alam mo, hindi na problema ang pera salvy! Kung pumunta ka nalang sana ng Europe, Singapore or kahit mag around the world ka, basta uuwi ka lang ay walang problema! Eh pag punta mo palang jan sa davao eh parang wala ka nang balak umuwi eh! nag sosolo kana kahit wala ka pang asawa! Aniya
Kuya Zach, salamat sa concern pero di ko kailangan mga ito. Gusto ko ng normal na buhay, ayokong nasa showbiz ako, or iniintriga ako. Gusto ko ng freedom okay?! Sabi ko
Ikaw bahala. Aniya na parang disappointed siya
Sorry, kuya zach. Sabi ko
Its okay, I got your point. Gamitin mo nalang pag kailangan na talaga. Aniya
Sige. Salamat dito kuya. Maliligo muna ako para maka hanap ng trabaho. Sabi ko at malakas ang buntong hininga niya
Maka buntong hininga tong si Zacharias! Parang biyernesanto sayo! Sige na bye! Xoxo! At inend call ko na
Bihis muna ako
Hmmm, ito! White Sando, Checkered Polo, Ripped Jeans, Cap at Sneakers! Aaaw yeah! Jologs na jologs! Maya na ako hanap ng trabaho, street foods muna kasi di ko pa na try yung mga iyon sa talambuhay ko!
Naligo ako ng mabilis at nag bihis ng mabilis, pina dry ko yung hair ko at spray ng perfume sa katawan
Pagkatapos ng ritwal ko ay lumabas na ako sa suite ko para mag try ng iba’t ibang street foods.
Tama nga si kuya Zacharias! Kakailanganin ko tong sasakyang ito! Pero ngayon lang!
Pumunta agad ako sa isang park na kung saan nakaratay na lahat ng street foods sa labas ng park at may mga durian
Hmmmmm, ano kaya uunahin ko dito? Tanong ko sa sarili ko Ay! Street Foods muna hehehe!
Pinark ko sa loob ng park ang sasakyan ko at lumabas para bumili ng maraming street foods
Pinasyal ko yung park… Malamig ang simoy ng hangin, walang ingay, maraming ibon, may dagat. Aw, tama lang dito ako nag stay sa davao…
Pagkatapos kong ikot-ikutin ang park ay kumain muna ako ng durian at bumili ng mga souvenirs bago pumasok sa sasakyan ko.
Pagkatapos, ay naisipan kong puntahan ang condo na binili ni kuya Zacharias saakin.
Meron naman akong dalang mapa para hindi ako maligaw at sa harapan niya ay isang mall.
Wow, galing ng taste nitong si Kuya Zach at pumasok na ako sa loob ng building
Pumunta naman agad ako sa condo ko at binuksan ang pintuan. And wow! Bumungad saakin ang napakalaking condo na binigay ni Kuya Zach saakin! Seriously? Inispoiled talaga ako ni kuya zach! Grrr!
May tatlong kwarto
Sa bawat pintuan ay mag nakaukit na
Guess Room, My Room, Maid’s Quarter at Cr
Wtf, Kuya Zach?
Pinasok ko naman ang My Room… At NAK NG TETENG OH! Ang laki! May terrace pa! shet! May banyo! Study table! May Aircon! Lalagyan ng Plasma at laptop! At King Size bed pa ang kama! Parang copy paste lang ng kwarto ko to! Pareho lahat pati sa kulay! Medyo maliit lang to keysa doon! Pero ang ganda!
Ipaparenta ko nalang to buwan buwan para may pondo ako! Hehehehehe!
Utak instik talaga ako! wais! Negosyante! Ha-ha-ha!
Humiga muna ako sa kama at ang bango! Parang kahapon lang binili ang mga furni kasi amoy na amoy ko pa lalo na ang kumot, kaya natulog ako.
BINABASA MO ANG
SHOTGUN LOVE
Teen FictionAng Love Story na ito ay tungkol sa dalawang tao na kung mag away ay parang isang aso’t pusa, parang sasabak sa giyera at parang makikipagsapalaran sa zombie apocalypse. Pero, gaya nga sa kasabihan, opposite do attracts. Pero, ang tanong… Will they...