Ang Mag-aaral

212 6 3
  • Dedicated kay Para sa lahat ng mga mag-aaral, lalong-lalo na sa mga magtatapos ngayong taon, k
                                    

Kay bilis ng pagpalit ng dahon ng panahon . . .

tila kailan lamang tayo’y mga musmos at mangmang;

Kinulong sa kwadradong mundong kung tawagi’y paaralan

doon nililok, nilinang ng mapagpalang paham.

Takdang aralin daw na gawaing-bahay

ibinabalik nang di nagalaw kung saan una itong ibinigay;

Doon pilit sasasagutan sa abot ng makakaya,

kung di pa sapat, kwaderno ng kamag-aral ang kanyang kasapakat.

Ang pagsusulit na susukat sana sa karunungang natanggap

nawawalan ng saysay sa mapagmilagrong mga kamay;

Kawawa naman ang mga taong nagsumikap,

naghirap mag-aral, nagsunog ng kilay.

Mag-aaral na palalo’t ubod ng kulit

walang binatbat sa gurong masungit;

Mag-aaral na sobra namang sipsip

pilit pang inaagaw sa guro ang aklat na kipkip.

Mag-aaral na nagsusumikap

Hirap ay hinaharap;

Halos abot-kamay

Pinapangarap na tagumpay.

Huwarang mag-aaral . . .

karangalan ka ng iyong guro’t paaralan;

Buong pagmamalaking itatanghal

Tagumpay mong nakamtan!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mag-aaralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon