Four.

15 1 0
                                    

Natapos na nga yong concert at kami naman excited na pumasok sa backstage. "Tangina hindi ko na to papatusin! Magpapapicture na ako sa lahat ng mga artist na makikita ko. Tsk!! Magselos kayo" Sabi ni Mari habang papunta kami sa backstage. Aanga-anga pa nga kami kasi di namin alam pinapasukan namin. Una Cr, pangalawa mga nagpapalit na back up dancers, at pangatlo exit. Muntik na nga kaming di pinapasok kasi nakalabas na kami.

Pero kaylangan kong makita si D.O ngayon. Kaylangan ko siyang makausap, pero paano? Guluong-gulo na ako! Parang mamamatay na ako ngayon. Kinakabahan ako! Di ako pwedeng magkamali. Si Kyungsoon at si D.O ay iisa! Naalala ko pa noong isang araw narinig ko siya na may kausap sa phone. Hindi naman sa nangengealam ako pero dinig ko yon. Kausap niya si Baekhyun. Nagagalit pa nga siya eh, alangan namang ordinaryong tao lang ang kakausap sa phone ng ganun ganun lang.

"PIII! Jen! Si D.O papalapit dito! Tanginaaa!!" Bulyaw ni Mari na kami lang ang nakakaintindi. "Wag kang ganyan umaasa ako!" Pero pagtingin ko wala na siya sa harapan namin. Kayanga ayokong umasa e! Tumalikod muli si Mari para magpaautograph at magpapicture sa mga members.

Bigla-bigla nalamang may humila sa akin sa isang sulok. Hindi siya nagsasalita basta hinihila lang niya ako paalis sa mga tao. Tumingin-tingin muna siya sa paligid kung may tao. Kapag may tao, baka may isipin sila.

ayaw ko naman masira reputasyon niya bilang isang artist.
Hindi na din ako nakapagpaalam kay Mari, walang pipigil doon pag nagwala siya sa harap ng MGA bias niya. Oo mga, hindi kasi siya makapagdecide kung sino nga ba ang pinaka gusto niya sa lahat.

"Jen," nabalik lang tingin ko kay D.O nung tinawag niya pangalan ko. Para bang what's happening here?

"How did you know my name?" Tanong ko nalang sa kanya.

"Kyungsoon told me about you and I want to meet you personally." Hindi pa rin ako makapaniwala na alam niya pangalan ko!!! Ako na siguro ang pinkamasayang tao sa balat ng lupa! kyaaaaaaa, yong feeling na yong bias mo alam niya pangalan mo!!

"Did you enjoy the concert? Kyungsoon bought the two tickets for you and one for your friend."

"I really enjoyed it. Kyungsoon doesn't know how happy I am right know"

"I know, he knows it" Sabi niya sabang ngiti sa akin. Biglang tumibok ng pagkabilisbilis yong puso ko. Parang andaming paruparo ang nagsisiliparan sa tyan ko. Hindi na alam paano kumalma!
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakausap ko siya ng ganito. Pero baka panaginip lang ito?? Baka kathang isip ko lang si D.O na nasa harap ko

Biglang gumalaw yong kamay ko ni hindi ko manlang alam ang ginagawa niya, para bang may sarili silang utak na kusa nalamang gumagalaw magisa. Bigla ko nalamang kasi hinawakan mukha ni D.O na para bang bata na kay sarap titigan. Ngumiti siya na parang wala lang nangyayari. Hindi siya umangal na pati siya hinawakan niya din ang kamay ko na nasa pisngi niya.

Natauhan ako bigla kaya hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa pisngi niya.

"I'm so sorry" Sambit ko habang nakayuko. "It's just that I really want to see and touch you personally. Forgive me"

Tumawa lang siya, wala siyang sinabi na masasakit na salita o kahit na na ayaw niya o naiirita siya. Wala as in tawa lang ang narinig ko sa kanya.

"tsk! Your so cute" pagpupuri niya. Keneleg nemen se eke! Kyaaaaaaaa!! Maybe I'm just dreaming.

"D.O-yah! D.O... D.O!!" Someone shouted. He was startled. Sumagot siya pata di na sumigawsigaw yong taong yon. Bago siya magpaalam, may inabot siya sa akin na maliit na box sabay sabing "When I see you again, I want to see that on your wrist" Saka siya tumakbo pabalik sa kinaroroonan ng mga iba niyanh members. Tulala lang ako sa kinatatayuan ko, pinagmamasdan kung ano ang maliit na box na ito. Sabi niya on your wrist e. Baka lastiko? Ponytail? yan lang naman ang nilalagay ko sa wrist ko e meron pa bang iba?

아마도 그것은 운명일까요?(Perhaps it's a Destiny?)Where stories live. Discover now