"Kaibigan o ka-ibigan?"

2 0 0
                                    

Alam kong ang tingin mo sakin ay isang kaibigan,
Ngunit may sikreto ako na di mo nalalaman.
Na bawat pintig ng puso ko'y ikaw ang nilalaman,
At akoy natutuwa kapag ikaw aking nasisilayan.

Hindi mo alam ang sakit na aking dinaranas,
Sa pag aalalang "makikita pa kaya kita bukas?"
Sa pagngiti at kilig mo na di ako ang dahilan,
Tila yaman ang batayan sa pagmamahalan.

Alam ko na naman wala akong karapatan,
Pero ang sakit isipin na d mo nararamdaman.
Ang bawat sakit, pighati at mga karamdaman,
Na dinaranas ko sa tuwing akoy na sa iyong harapan.

Alam ko na akoy isang hamak na kaibigan,
At d ako pwedeng umasa dahil wala akong karapatan.
Pero ito ay wag limutin at pakatandaan,
Nandito lang ako sa tabi kapag kailangan mo ng kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kaibigan o ka-ibigan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon