chapter 2

6.4K 96 3
                                    

"ROOM no.4," saad kay karylle ng kanyang manager pagkatapos na pagkatapos niyang sumayaw. Ramdam niya  pa rin hanggang ngayon ang maiinit na tingin ng mga customers roon. Lihim siyang napapangiti. Maglaway silang kakatingin sa kanya dahil hanggang doon lang ang magagawa ng mga ito.

"Yes. Ma'am." Dumiretso muna siya sa loob ng dressing room upang tignan ang sarili. Tinanggal na rin niya ang suot niyang maskara. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Dinagdagan niya rin ng konting make up ang kanayang mukha na nabura dahil sa pawis.

Hindi na siya nag abalang maglagay ng lipstick dahil sadyang mapula na ang kanyang mga labi. Inisang sulyap niya pa ang sarili bago tuluyang lumabas ng dressing room at puntahan ang  kung sino mang customer niya ngayon.

Nang nasa harap na siya ng pinto ay huminga muna siya ng malalim.at nag dasal na Sana ito tulad ng isa niyang customer noong nakaraang gabi. Masyadong manyak kasi kaya hindi niya napigilan na bigyan ito ng mag asawang  sampal.

Hindi naman siyang magawang sesantihin ng kanyang manager sa kanyang ginawa dahil nasa kontratang pinirmahan niya na hanggang pagsayaw lang ang kaya niyang gawain. Paminsan ay nagpapa table siya. Pero hanggang doon lang yun. No kiss. No take out.

She was the star dancer of venus clubs. Kaya naman nakakapag desisyon siyang ayon sa gusto niya.

Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Bigla naman kumabog ang dibdib niya at namuo ang mumunting pawis sa kanyang noo ng mapagtanto kung sino ang nag hihintay sa kanya. It was JOSE MARIE VICERAL! The famous  business tycoon and multi billionaire bachelor. Sino ba ang hindi makakakilala rito?

Ngumiti siya kay vice kahit ramdam niya ang kakaibang titig nito sa kanya. Nakita niya rin ang paglunok nito ng mapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Umupo siya sa tabi nito ng may ilang pulgada ang layo. Mataman pa ring nakatingin sa kanya si vice

Ganoon na lang ang gulat niya ng  singbilis ng kidlat na makalapit ito sa kanya at ng ilapit nito ang  mukha sa gilid ng kanyang tenga. "I love your scent," anas nito na nagbigay lalo ng pinaghahalo-halong emosyon sa kanyang sistema. Lalo na ng maamoy niya rin ang napaka masculine na pabango nito. Napakasarap sa kanyang pang amoy.

"T-thanks," she stutered.

Nakita niyang napangisi si vice. "You seem uncomfortable." Umusog ito ng kaunti palapit sa kanya.

"Hindi naman," tuwid niyang sagot.ayaw niyang ipagalata na may kakaiba siyang nararamdaman.

"Wait," anas nito at inipit nito sa kanyang tenga ang takas na buhok. "Mas maganda ka pala sa malapitan," dagdag pa nito, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito.

Bahagya niya itong naitulak palayo sa kanya ng hawiin nito ang kanyang buhok at dumako ang daliri nito sa kanyang labi.

"Wag kang magtatangkang halikan ako." Kunot noo nitong sabi kay vice.

"Why? Sasampalin mo rin  ba ako tulad ng ginawa mo sa customer mo?"panunudyot nito. Alam nito kasi nito ang nangyare?

"Oo. At mapipilitan akong gawin iyon oras ng mangtangka ka!"

"Talaga?" At unti-unti itong lumalapit sa kanya ngayon habang siya ay umuusod palayo rito. "Alam mo bang wala pang umaayaw sa halik ko?" Ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nila sa isat-isa. Nakita niya pang tila may kislap sa mata nito nang dumako ang tingin nito sa kanyang labi.

"A-ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nahihirapan niyang sabi rito.napakagat labi pa siya. Pero isang pagkakamali pala iyon dahil pagbitaw na pagbitaw niya ay siya namang sinalubong ng binata ang mapulang labi niya ng dalaga.nanlaki ang mata niya. Hindi agad rumehistro ang ginawa ni vice sa kanya. She didn't respond to his kiss. Nabalik lang siya sa realidad ng maramdaman niya ang dila nito na pilit binubuksan ang kanyang labi at ang kamay nito na humahagod sa kanyang hita.

When The Billionaire Fell With The Prostitute(Vicerylle story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon