(Pagbasa: Genesis 41:55–42:24; Salmo: Awit 33:2-19)
Mabuting Balita: Mateo 10:1-7
1 Tinawag ni Jesus ang labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman.
2 Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; 3 sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; 4 si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya.
5 Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: "Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. 6 Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel.
7 Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: 'Palapit na ang kaharian ng Langit.'
( Ito ay mula sa Katolikong blog na Sa Isa Pang Sulyap - http://saisapangsulyap.blogspot.com )
YOU ARE READING
Daily Gospel (Weekdays) 10 - 15 Hulyo 2017
SpiritualDaily Gospel po natin mula Lunes hanggang Sabado (10 - 15 Hulyo 2017). "Lakasan mo ang iyong loob, anak ko, pinagaling ka ng iyong pananalig." (Mateo 9:22) ( Ito ay mula sa Katolikong blog na Sa Isa Pang Sulyap - http://saisapangsulyap...