-------
“Gian…?”
*Kriiiiiiiing!!! Kriiiiiiing!!!*
Ugh! -___- 6:30 am nanaman -___-
Kainis naman oh! In-aantok pa ako eh! :3
*tok tok tok*
“Casey? Gising na Anak, may pasok ka pa ng 8 o’clock am. Bilis na. Bangon na.”
“Yes Mom. 5 minutes more” ganun talaga ako parate. 5 minutes more. Kaso, parang wala lang din -_- Ang bilis lang.
*tok tok tok*
“Mom?” Inis na sagot ko. In-aantok pa nga ako eh -___-
“Anak?” sabi naman ni Mama na parang naghihintay.
“Opo. Maghihilamos po na po ako po.” Ang galang ko no? ^____^
“Bilisan mo…” Sabi naman ni mama at umalis na. Ako naman, pumunta na sa CR sa loob lang din ng kwarto ko tapos nag-hilamos na at bumaba sa baba. Alangan naman bumaba ako sa taas? Ano po?
Pagka-baba ko… “Kain na! ^_____^” Sigaw ni Mama, nag-luto sya ng pork adobo <3 Emegheed paborit ko itu! ^__^
Kumain ako, at pagkatapos kong kumain, humingi pa ako ng extra rice kay Ate Inday ^___^ Simot sarap yung plato ko <3 Parang pwedeng gamitin ulit ^____^
Nung pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng pang-cheer-dance at kinuha ko yung cellphone ko, nakatanggap naman ako ng text galling kay Jasmin, “Angelica Casey Styles! Makakakita nanaman tayo ng pogi, sa school natin napagdisisyunan na maglaban ang Blue Dino at Red Snakes!!” sabi nya sa text, naku-naku! Talande nanaman to si Jasmin :3
Red Snakes – mga natatanging players na halos puro pogi
Nagche-cheer dance kasi ako, kaya kahit naman hindi sa school, makikita ko pa rin. Well…
Nag-paalam na ako kay Mama para umalis na at pumunta na ng School, naglalakad lang ako papuntang school, malapit-lapit lang naman sya at kayang lakarin ng aking mahiwagang mga paa kaya kahit pagje-jeep ‘di ko na ginagawa. Like duh? Pwede namang lakarin eh -___-
--------
***Sa school***
Maaga akong umalis ng bahay, 8o’clock palang kasi, ya know? Kaya ayun, pinag-practice kami nung coach namin. 9o’clock pa daw kasi mag-sisimula yung basketball -___-
At jackpot! Ang dami kong nakikitang pogi na taga-Park Academy, *u* Biglang, may dumating naman na guy at tumahimik naman yung mga players ng Red Snakes, hindi ko nakita kung sino yun, tinawag kasi kami bigla ni coach kasi baka mag-simula na raw.
Kung, tatanungin nyo kung bakit hindi ko nai-ikwento si Jasmin sa inyo, di naman kasi kami masyadong close. Wala naman talaga akong masyadong close sa school, kasi daw ang arte-arte ko daw -__- Che!
“Okay guys! Get ready!” sigaw ni coach. Kami yung unang magche-cheer kaya medyo kinakabahan ako -__-
Okay, nag-simula na. Ayun! Hinagis na ako! Nasalo! Gumawa kami ng pyramid. Ako yung nasa taas. Pagka-tapos nun, nagpalakpakan na sila. May naka-agaw naman ng pansin ko, yung isang player sa Red Snakes. Hindi man lang pumapalakpak -___- Wait… O.O Yun ba sya? “Ahh!” Muntik na akong mapasigaw. Nag-sitanggalan na kasi sila. Buti nalang nasalo ako nung lalake na bumubuhat sa akin. Yun naman kasi yung trabaho nya. Pero, balik tayo dun sa guy na nabangga ko kahapon na nakita ko ngayon, sya ba talaga yun?