Wedding Day.
Hindi ako makapaniwala.
Ngayong araw na pala.
Yung araw na pinakaabangan ng lahat.
Yung araw na makikita ko siya sa altar.
Yung araw na di mapagsisidlan ang kanyang tuwa.
Ako rin natutuwa pagkat ito na yung araw na pinakahihintay. Yung araw na pinakamasaya sa aming talambuhay.
Ilang minuto pang paghahanda ang natitira bago magsimula ang kasal. Hindi magkanda ugaga ang lahat para perpektuhin ang mahalagang araw na ito.
Habang inaayusan ako sa huling pagkakataon, hindi ko maiwasang kabahan dahil ito na yung panahon na 'yon. Ang dami kong naiisip habang inuubos na ang natitirang oras.
Hindi ko na namalayan, andito nako sa loob ng simbahan. Ang ganda ng pagkakadisenyo. Naaayon siya sa mga pinlano. White and red roses sa red carpeted floor, may malalaking kurtina na kulay puti na nakasabit sa ding ding at kisame, puting rosas na nasa plorera sa gilid at simula nang tumugtog ang kantang "Beautiful in White" na inawit ng Westlife.
Ang ganda lang diba? Dream wedding talaga siya. Nakakatuwa isipin na natutupad talaga yung mga ganitong ideals.
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing pieceIto na. Ito na yung panahon na ako naman ang lalakad. Lalakad palapit sayo habang itinutugtog ang kantang paborito ko.
Habang papalapit sayo di maitatago ang kinang sa mga mata ko at labis na tuwa sa pagkakataong ito.
Nagsimula akong maglakad at nagtagpo ang nga mata natin. Kitang kita ko na labis ang tuwa sa mga mata mo tulad ko.
So as long as I live I love you
Will have and hold youNginitian mo ako at nakikita ko ang mensaheng pinararating mo.
Sa mga oras na 'yon, biglang bumalik lahat ng alaala ko sayo. Simula nang magkakilala tayo.
Tanging ngiti lamang ang nagawa ko ng maalala ko lahat ng 'yon. Isipin mo yun, matagal na rin na pala nung una tayong pinagbunggo ng tadhana.
I had experienced the biggest loops in life. At simula pa lang ng panibagong yugto sa buhay ko ng simulang mangyari lahat ng yun.
Hindi kapani paniwala pero natutuwa akong sa hinaba haba ng panahon dito rin lang pala ang bagsak ng ating kwento.
Sa isang kasalang magpapaisang dibdib sa lalaki at babaeng nagmamahalan dumaan man ang mga hamon, sabay na lalampasan.
Nang malapit na ako sayo dun ko na pinutol ang pagtitinginan nating dalawa. Ako'y kumaliwa upang pumunta saking kinauupuan.
Ako ang isa sa mga Bride's maid sa kasal niyo. Nakakatuwa lang kasi kahit na hindi maganda ang nakaraan natin, nagawa mo pa rin makabawi at ginawa mo kong parte ng napakasayang araw sa buhay mo.
Ikakasal ka na, Jericho. Dumating na yung panahong pinakaiintay mo. Ikakasal ka sa babaeng pinangarap mong makasama sa hirap at ginhawa. Sa anumang dadaan sa buhay matatag ka kasi kasama mo siya.
Sobrang saya ko para sayo, Jericho. Masaya akong masaya ka sa mga naging desisyon mo. Wala kang pinagsisihan at iniidolo kita dahil dun. Wala kang takot sumubok para malaman kung ano nga ba yung nasa kabilang dulo ng mga desisyong tinatahak mo.
Masaya ako para sayo. Nagawa mong magiging matatag hanggang dulo. Siguro ito rin yung rason kung bakit tayo pinagtagpo. Para makita kita maabot lahat ng inaasam mo, inaasam natin.
Oo, maaaring yun nga ay pangarap natin. Pero tanggap ko na. Tanggap ko na na gusto mo ng tuparin ito kasama ang iba. Yung talagang nagpabago sayo at nagbigay ng rason sayo para mas maging mabuting tao at kinakasama.
Tinupad mo ang pangarap ko. Ang kasal na tila asa paraiso tayo. Sa puting bestida na hinangad ko bata pa lamang ako.
Tinupad mo ang pangarap ko sa ibang babae na ngayon ay mahal na mahal mo.
Sobrang nakakaluha yung takbo ng kasal na'to. Alam kong abot langit ang saya mo. Ako kaya? Kailan ko kaya magagawang ngumiti na parang inaamin kong sumaya rin ako?
Masaya ako para sa inyo. Tinalo niyo ang katatagan ng relasyon namin noon. Pero dahil rin sa pagbitaw mo nahanap mo yung talagang para sayo.
Hindi kita masisisi kung kinailangan mo pakong saktan noon para makamit kung anong meron ka ngayon. Siguro isang pagsubok na rin saakin yun para maging matatag ako.
Salamat, Jericho. Handa nakong sumabak muli sa hamon ng mundo matapos kong masaksihan na masaya ka na sa kinakulugaran mo. Kahit hindi na ako maging parte pa ng mga susunod na kabanata ng kwento mo.
Pero sa mga huling saglit na'to, bago ko iwan ang mga salitang 'mahal pa din kita' nais kong alalahanin lahat ng meron tayo. Nung ako pa yung mahal mo.
'Di bali ilang minuto na lang rin bago ang halik na sasara sa kontrata ng pag ibig. Sa huling minutong yun iisipin kong ako ang nasa pwesto niya ngayon. Na ako yung nangarap ng isang pag ibig na nilaan talaga para saakin.
Hindi ko alam kung hanggang kailan lulutang ang isip ko papalayo sa realidad na ang kwentong ito ay 'di umiikot sa mga palad ko. Hindi ko alam kung anong hangganan ng kapasidad ko at 'di ko namalayang nagtagpo na pala ang inyong mga labi at siya nang palakpakan ng marami.
Sa wakas, tapos na ang prosisyon. Pwede ko nang lisanin ang lugar na akala ko magiging masaya para sakin.
Ito na ang hudyat na kailangan ko na umalis at ipagpaliban na ang mga susunod na mangyayari para sa dalawang bagong kasal.
Nilisan ko ang lugar na para bang walang nangyari at nagpatuloy maglakad sa kung saan man ako dalin.
Naglalakad at tila ba nasa kawalan, mga matang walang kasigla sigla.
Mahirap palang bitawan yung isang bagay na akala mo may pag asang mapasakamay mo pa.
Sa biglang pagbuhos ng ulan, kasabay na ang aking mga luha. Tumingala ako at tila dinamdam ang pagpatak ng bawat luha ng langit. Tila ba niraramayan ako nito sa pagkamatay ng puso't mga pangarap ko kasama siya.
Pwede pa rin palang maging masakit ang isang bagay na natanggap mo na. O' siguro dahil ikaw lang talaga yung hindi nagawang sumubok hanapin yung sarili mo sa kadiliman at nanatili pa sa lugar hindi tulad niyang naghanap ng liwanag o saysay sa buhay.
Naisipan ko nang sumilong sa labas ng kapehan. Sakto, maaari nating painitin ang tyang sabay sa lamig ng puso't panahon.
Sa mga panahong ganito ay dapat sinusulit ang simoy ng hangin. Ito yung mga panahong masarap makinig ng musikang hihipo sa puso mo.
Hindi ko alam kung bakit pero imbis na magpatugtog ay inilabas ko ang kuwadernong pinagbuhusan ko ng aking damdamin.
Binuklat ko ang aklat sa pinakaunang bahagi na pahina at napangiti sa aking nabasa.
Mahaba pa ang oras. Babasahin ko muna isa isa ang mga alaala na nakaakda.
YOU ARE READING
A Walk Down Memory Lane
Teen FictionAng entry ng buhay ni Alicia Reese Auxford. Bow. Ayun, kwento lang ng kanyang buhay. Kwento ng isang taon sa isang baitang bilang highschool. Masaya, malungkot, nakakabaliw na mga panahon na walang kasiguraduhan kung paano magtatapos. Ano bang meron...