Epilogue
Sa lahat ng nangarap, nangangarap at patuloy pang mangangarap mgkaron ng tahimik na buhay kasama ang taong pang habang buhay nilang makakasama. Sa lahat ng nabigo sa una, pangalawa, pangatlo at sa mg sa susunod pang pag-ibig. Sa lahat ng taong gustong masabi na NAKILALA NA KITA sa wakas. Sana magustuhan nyo ang kwentong ito.
Chapter 1
" How did you know I needed someone like you in my life, there was an empty space in my heart. You came at the right time in my life."
Napakasarap sa pakiramdam na habang nglalakad sa aisle ay kinakanta tong paborito mong kanta sa harap ng future to be mo di ba?(kung ito nga ang gusto mong theme song, option ko lang po yan walang kokontra).........yun ay kung nakilala mo na siya. Sa libu- libong tao sa mundo, isa ka ba sa mga taong akala mo nakilala mo na? ( tas bigla siyang nauntog after nyong magkakilala, the next day may iba na) O baka naman isa ka sa mga taong umaasa na sana'y makilala mo na siya? Kaso walang dumarating at kung may darating man alanganin naman. HAY!!!!!!!
Madalas tinatanong ko sa sarili ko ang mga bagay na sa alam kong kamalian o kapintasan ko kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin ako????? Maganda naman ako sabi ng Nanay ko (at siyempre naniniwala ako dun Mother knows best di ba).O bka naman medyo choosy lang ako? (pero hindi rin naman). Minsan nga naiingit ako sa mga kaibigan kong may boyfriend na di mas lalo na sa mga kaibigan kong kasal na. Siyempre they will happily ever after sabi nga sa mga fairy tale stories di ba? Pero hindi ko ding maiwasang mag-isip, kung bakit sa kabila ng happily ever after sa taong pinili nila'y naghihiwalay pa rin sila?(WHY?) di ko pa alam ang sagot nung una kasi siyempre di ko pa naman naranasan ang magka-boyfriend di ba?di lalo naman ang ikasal kaya di ko pa noon masagot ang mga bagay bagay....Isa sa mga halimbawa nito ang nangyari sa parents ko.
Bata pa lang ako noon ay naghiwalay na ang Nanay at Tatay ko. Hindi malinaw sa amin kung bakit sila naghiwalay,siyempre bata pa kami noon, malihim din ang aking ina, basta alam ko isang araw naisipan umalis ni Tatay, hindi nagpaalam ang masaklap hindi na rin bumalik. Siguro nga tapos na ang happily ever after nila ng Nanay ko, hindi pala siya totoong happy ending dahil ang madalas ay sad ending din pla ang bagsak. Nasanay ako sa set up na ganito. Kung kaya siguro noon pa man ay hindi ko na magawang pagkatiwalaan ang mga lalaki dahil na rin sa kagagawan ng magaling kong Tatay.
Kaya ngayon alam nyo na...
Chapter 2
"Bakit ayaw mo sa mga lalaki?" Tanong yan ng prof. ko dati sa Psychology. Hindi ko na maalala kung bakit napasok yun sa dicussion namin sa klase ang alam ko lang ay kelangan ko iyong sagutin.
"Ayoko ko po kasing makahanap ng tulad sa Tatay ko Ma'am." sagot ko sa prof ko. Siyempre medyo sariwa pa sa akin ang mga bagay bagay at may hinanakit pa ako sa aking ama kaya napaluha ako nun. (1st year College pa lang kasi ako nun). Yun na ata ang naging simula kung bakit takot ang mga lalaki sa akin noon. Tingin lang kasi nila sa akin barkada, kaibigan at hindi pwedeng maging girlfriend.
Lumipas ang 1st yr.
Wala paring bf at ang masaklap na pangyayari nawala ang aking pinakamamahal na ina.
Siyempre malungkot pero kailangang tanggapin ang lahat. Sabi ng Tita ko noon "God has reason for everything, " Hindi ko yun maunawaan dahil bakit ang tanong ko noon eh bakit nya kinuha ang nag iisang taong pinagkukunan namin ng lakas.
Pero habang tumatagal naunawaan ko ang lahat at natanggap sa sarili ko na walang mali sa mga nangyari. Kelangan ko lang lalo pang magpakatatag para sa mga kapatid ko. Nangyari din siguro yun dahil alam ng Diyos na kaya ko at malalagpasan ko yun.
Lumipas ang 2nd yr. 1st sem.
Lalong wala pa ding boy friend.
Sabi ko sarili ko, ok lang bata pa naman ako.
Here comes 2nd sem........
Chapter 3
At last......finally, kala nyo meron na wala pa ring..boy friend pero
textmate meron na...hahahaha...kala nyo kung ano na noh? nagkakamali kayo.....
Dahil iyon sa kakulitan ng classmate ko. (oh di ba kelangan pang me ganun). Siya lang naman kasi ang dahilan ng lahat.
Isang araw kasi may humingi sa kanya ng pwedeng maging textmate at ayun sapol (ako? oo ako.) Ako nga ang ibinigay nyang textmate sa best friend nya. Oh di ba ang cute nya. Sa dinami dami ba naman kasi ng pwedeng ibigay di ba na textmate ako pa talaga.
Siyempre alangan ako sa ganun, malay ko ba kung anong hitsura nya. Malay ko ba kung mukha siyang bakulaw, o kaya naman ulo lang na tinubuan ng mukha. Pero pwede din namang maging mukha siyang artista (mahirap mangarap, nauudlot)
Textmate:"Hi, ikaw ba c Dorothy?"
Ako: "Sino to?"
Textmate: "Nathan to."
Ako: "Nathan? Sinong Nathan?" Pano mo nakuha number ko?"
Textmate: "Nanghingi kasi ako ng textmate kay Vivi, eh ikaw yung binigay nya. Ok lang ba?"
Ako: (kunyari ayaw, ngaisip konti pero pumayag din) "Ok lang, wala namang masama eh, textmate lang naman di ba?"
At dun nga nagsimula ang lahat. Text dito Text doon. Wala namang masama. Magsasabihan ng Goog morning sa umaga, magpapasa ng quotes, mag gugudnight sa gabi at kamustahan ng bonggang bongga. Pero kahit magkalapit lang kami ng distansya, di pa rin kami nagkikita. (How sad)
Summer vacation...dahil hindi pa noon required ang magsummer sa amin at dahil wala akong balak kumuha ng units sa summer..
Baksyong grande.......
Isang araw...
Nathan: "Hi"
Dorothy: "Hello"
Nathan: "Pwede ba akong pumunta dyan sa inyo?"
Dorothy: (Siyempre ako kinakabahan, malay ko ba naman kung anong itsura nya di ba) "sige, kaso wala na ako sa bhaus eh, umuwi na ako sa mismong amin."
Nathan: "Ok lang, san ba yang sa inyo?"
Siyempre dahil sinabi kong sige, considered oo na rin yun. At ang tangi ko na lang magagawa eh umasa na sana hindi siya mukhang ewan(ayoko kasing sabihing pangit dahil wala namang nilikha ang Diyos na pangit di ba, hindi lang talaga nabiyayaan ng kagandahan.
Chapter 4
"hi, pano ba pumunta sa inyo?
Siyempre aq naman walang magawa kundi magbigay ng instructions dahil pumayag akong makipagkita sa kanya di ba.
At eto na the moment of truth came.Magkikita na nga kami....
Kinakabahan ako siyempre, di ko alam ang gagawin ko para akong di mapakali sa kaba.
10,9,8,7,6,5,4,3,2,......1 boom ayan na siya.....waaaaaaaaah
Nathan:"asan Ka na?"
Dorothy: Nandito lng ako.
Nathan: ano bang kulay ng damit mo?
Dorothy: ummm.....naka tshirt na puti ako,asan ka na ba?
Nathan:ah ok ikaw cguro ung nasa bandang unahan? asa likod mo lng ako. Harap ka dali.
Dorothy: ahh...?ok(hirap pa akong humarap, kinakabahan ako...labdab labdab labdab ang bilis ng tibok ng puso ko)
pagharap ko'y nakatitig siya sa akin...hindi ko alam ang gagawin lalo na ang sasabihin ko.Lalo pa akong di nakapagsalita ng inabot nya sa akin yung isang tangkay ng rose....wahhhhhh para akong matutunaw. Ganito ba talaga ang pakiramdam at dapat na maramdaman ko. Love at first sight na ba to? Oo o Hindi? oo, dahil kinilig ako sa kanya (hihihi), hindi kasi hindi naman dapat ngayon ko pa lang siya nakilala kaya hindi pa pwede ok...(habang tinatapik ko ang mukha ko at ginising ang sarili ko'y nakatingin pala siya sa akin)
Anong ginagawa mo?Ok ka lang?tanong niya sa akin.
Siyempre hindi ako makapagsalita sa pagkabigla. He he he ako ng maganda.