His Zipper is Tomorrow

22 1 0
                                    

"Gosh Asha! Nakaka-turn off yang ultimate crush mo ha?" hindi pa nasyahan sa panlalait si Maggie. Nag-evil laugh pa!

"Kung makapagsalita ka naman Maggie akala mo wala ng dangal yung tao!" pagtatanggol ko kay Nel.

"Eh bakeeeeeet? Meron pa bang natira?" sagot na naman nya. Ewan ko ba pano ko to natatawag na best friend.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga sa kanya!" sagot ko.

"Hindi ko yan idedeny. Hindi ko pa nga rin magets anong nagustuhan mo sa bugok na itlog na yon eh." masyado talaga tong si MAggie kahit kelan. Hindi marunong sumuporta.

"Masyado ka. Hindi naman nakakabawas ng pagkatao ang pagpasok na nakabukas ang zipper ah!" ang hirap naman ipagtanggol si Nel. Bakit naman kasi sya pumasok na hindi man lang sinasara yung zipper nya?

"Hindi nga nakakabawas ng pagkatao pero dangal oo, nababawasan." pagkasabi nun, nagsimula na syang maglakad palayo.

"Kita na lang tayo sa cafe!" pahabol nyang sigaw.

Ganyan talaga kami ni Maggie. Masyado kasi syang vocal sa mga ayaw, gusto at observations nya. Madalas nyang idisregard ang nararamdaman ng ibang tao at hindi ako exempted don.

Nagumpisa na din akong maglakad-lakad. Napapaisip tuloy ako ngayon ng dahilan kung bakit pumasok si Nel na nakabukas pa yung zipper nya.

Nasira kaya yung zipper ng pants nya? Nakalimutan kayang labhan yung matinong pants nya? Baka namannakalimutan nyang isara? Kaso parang napakalala naman na ng pagkamakakalimutn nya pag ganun.

Di kaya bored sya? Parang ang labo naman ata na pumasok sya ng nakabukas ang ziper dahil lang bored sya.

Nalulungkot ako. Talk of the school na sya. Medyo may kasikatan din kasi si Nel. Ayan tuloy pinag-uusapan na sya ng mga tao.

"Ayos ah! Multi-tasker! Naglalakad na, nag-iisip pa! Hiyang-hiya naman ako sayo Asha! Baka gusto  mo pang walisan tong hallway ok lang din." 

"Napaka-bully mo talaga Maggie." walang gana kong sagot. Nasanay na din ako kay Maggie. "Pero ano sa tingin mo? Bakit nga kaya sya pumasok ng nakabukas ang zipper?"

"Malay ko. Bakit hindi mo sya tanungin?" tapos may tiningnan sya sa may likuran ko saka sumigaw. "Hoy Nel! May sasabihin daw si Asha sayo!"

Ayun! I died. Chos lang. Pero i wish i did die. Ano ba naman tong si Maggie. Pinahamak pa ko.

Nasa may harapan ko na si Nel and friends.

"Ano yun Asha?" pinangarap kong kausapin ako ni Nel pero hindi sa ganitong pagkakataon at sa ganitong sitwasyon! Ano nang isasagot ko?

"Uhm...ano...kasi...y-your...z-zipper is t-tomorrow." pautal-utal at mahina kong sabi. Nagtawanan naman ang friends nya. Lalo tuloy akong hindi makatingin sa kanya.

"A-ano...yung zipper mo...b-bu-bukas." ayun! Nasabi ko na!

Nagulat ako sa reaksyon nya. Ngumiti sya!

Tumingin sya kay Maggie at nginitian nya din. "Mags, salamat ha? I owe you!"

Nag-smirk si Maggie. "Ayusin mo yan ha? Pag may nangyaring hindi maganda, alam mo na kung ano haharapin mo." sabi ni Maggie with matching pakita ng inexistent muscles nya sa braso.

At anong nangyayari dito?

Humarap ulit sakin si Nel. "Alam mo Asha, may babae na kong matagal ko ng gusto. Kao hindi nya ko pinapansin."

At ano naman kaya ang kinalaman nito samin at sa zipper nya bukod sa naiinggit ako sa babaeng yon?

"Wala kasi akong ibang paraan na alam gawin kasi mahina ang loob kong unang mag-approach. Kaya naman, pumasok na lang ako ng nakabukas ang zipper."

Ang effort naman nun!

"Pero worth it naman. Nagtagumpay naman ako eh. Sya pa nga yung nag-point out na bukas yung zipper ko kahit pautal-utal pa nyang sinabi." nakangiti nyang sabi.

HIndi na ko nagtanga-tangahan. Pampatagal lang yun ng istorya eh. "Ah...ako yun noh?"

He smiled and nodded his head.

Edi ako na masaya!

"Teka lang. Hindi mo ba yan isasara? Your zipper is tomorrow!" pahabol ko.

His Zipper is Tomorrow (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon