"Hoy! Hindi ka naman nakikinig sa'kin eh" Sabi ni Era, ang isa sa mga barkada ko
"Ay, sorry. Ano nga ulit 'yun?" Sagot ko naman sa kanya nung medyo natauhan na ko
"Tsk. Wala."
Hayy... Wala na naman ako sa sarili ko simula kanina pang umaga.
"Hoy! Kaylee, tulala ka dyan" Sabi ni Jewl na kadarating lang
"Kanina pa 'yan ganyan. Para nga akong ewan dito habang kausap yan, hindi naman pala nakikinig" (Era)
"Kaylee, may problema ka?"
"Huh? Wala naman" Sabay ngiti sa kanila
"Kami pa lokohin. 'Yang ngiting 'yan, may ibig sabihin 'yan"
"Wala. Masaya lang talaga araw ko"
"Tsk." Sabay nilang sabi
"Nasaan si Naomi?" tanong ko kay Jewl
"Nasa bahay, may ginagawa pa 'yun kanina pa"
"Eh si Yanna?"
"Ewan. Text mo!" Sabi ni Era
Ako nga pala si Kaylee Jazel Perez, incoming 1st year high school. Simple lang ako, walang kaartehan sa buhay.
Ang aking mga kaibigan:
* Jewl Micaela Farncisco- siya ang pinakamatanda sa'min magkakaibigan. Mahilig magjoke pero kapag seryosong usapan, pinaninindigan niya ang pagiging ate namin pero ayaw niyang tinatawag siyang ate.
*Era Nicole Coligado- kaage ko lang siya. May pagka mataray siya.
*Naomi Anne Coligado - kapatid siya ni Era. Siya ang pinakamatalino at pinakamasipag sa'min. Madalas hindi naman siya nakakasama sa tambay o gala dahil busy sa pag-aaral. Siya yung pinaka-close ko sa kanila
*Yanna Javier - kaage ko rin. Siya naman ang pinaka pasaway samin. Kung ano sinipag ni Naomi, kabaligtaran nun si Yanna
Nakatambay kami ngayon sa may parang playground sa'min. Ito na 'yung madalas naming tambayan
Maya-maya dumating na si Naomi at Yanna...
"Tagal nyo naman." Sabi ni Jewl
"Sorry naman. O anong problema ni Kaylee?" Tanong ni Yanna
"Ewan ko ba dyan. Kanina pa namin tinatanong, sasagutin lang kami ng 'Wala' with smile pa" Sagot naman ni Era
Nababaliw na nga siguro ako... nang dahil sa kanya
"KAYLEE!" Sigaw ni Yanna
"YANNA! BAKIT? HAHAHAHHAHA!!!!" Sabi ko naman
"Baliw na nga" Sabay na sabi nung magkapatid
"Kaylee? Bakit parang ang saya mo ngayon?" Tanong ni Naomi
"Hmmmm... Wala naman" Sagot ko
"Hay. Baliw na talaga ang aking bestfriend" Sabi ni Naomi
"Ui! Gala tayo bukas. Dalawang araw na lang pasukan na" Yaya ni Jewl
"Sige" Sang-ayon naman namin
Ayun, kwentuhan lang. Chismisan... Hanggang sa 6:30, umuwi na ang ilan sa'min kasama ako. Kailangan maaga umuwi para payagan ako bukas. Hahahaha.
Pinayagan naman ako umalis bukas. Yehey!
Pagkatapos kumain ng dinner, nanuod lang ako tapos naglinis at humiga
Bago ako matulog, naalala ko na naman 'yung dahilan kung bakit ako ganito kasaya ngayon. Habang inaalala ko 'yun, hindi ko maiwasan magtanong ng kung anu-ano...