"I did not order this," sabi ko sa waitress nang abutan ako ng cocktail.
Itinapat nung waitress 'yung empty tray niya sa tiyan niya at tumuro sa bandang bar. "Galing po sa gentleman over there."
Tumingin ako sa itinuro niya. It was the Suit Guy. When my eyes met his, itinaas niya 'yung hawak niyang glass as a toast.
Para akong nakuryente nang magtama ang tingin namin.
He held my gaze captive. Ang hirap pakawalan ng tingin niya no'n. And then his lips started to lift at the sides.
Agad kong iniwas ang tingin ko and I felt my cheeks blush dahil kinantiyawan ako ng friends ko.
"Pinapabigay niya rin 'to," iniabot nung waitress ang isang piraso ng papel. When I opened it, there were only two words written inside.
Room 93.