Umaasa ako sa taong ni minsan hindi ako mapapansin,
Umaasa ako sa taong binibigyan ko lagi ng "hanggang tingin".
Madalas tanungin ang isip, "Bakit siya pa?"
Sumagot, "Aba, tanungin mo ang puso mo, bakit nga ba?"
Tibok ng puso, kay bilis- parang nasa karera,
Sa tuwing ika'y nakakasalubong sa pagpasok sa eskwela,
Tila humihinto ang paligid, ikaw ang nakikita,
Walang pakealam sa iba, ang mahalaga'y ang salitang "tayo" di ba?
TAYO? Ilang beses ba aasa sa wala?
Hoy puso ko! Hindi ka pa ba nadadala?
Ilang beses ka ng nasaktan dahil sa kanya,
Pwede ba... tama na... Wag kang Tanga!!
________________
Author: Criz
________________
Vote
Comment
Add
Share
Follow
YOU ARE READING
When Boredom Strikes
PoetryCollection of Poems - - - - Maymaych Authors: * Hiro * Ryle * Drei * Criz * Ricks * Axel