Almusal

58 0 0
                                    

Ang pinakamahirap? Yung simula. May mga tipo ng simula na wala ka talagang ideya kung ano mangyayari pagkatapos. May mga simula din naman na alam mo na kung ano ang mangyayari. Tulad nalang nito. Kakagising ko lang. Ramdam ko pa ang lagkit ng aking mga mata. Sobrang baho pa ng hininga. Nagugutom na ako pero hindi ko alam kung dapat na ba  talaga akong kumain. Nakakatamad din namang matulog ulit kasi sobrang init. Masakit sa ulo. Kaya sige. Kakain nalang ako ng almusal.

Wala na mga magulang ko dito sa bahay. Pero mabuti nalang, may nakahanda ng pagkain. Tulad ng dati, hotdog at itlog nanaman. Pero ayos lang naman. Masarap naman siya. Ang dami ko tuloy nakain. Kaya maya-maya, nakaramdam ako ng sakit ng tiyan. Kaya deretso ako ng kubeta.

Habang naghuhugas ako ng pwet, bigla nalang naging kulay itim ang paligid. Bigla nalang akong napunta sa lugar na hindi ko maintindihan kung ano. Swerte ako kasi tapos na'ko tumae noong napunta ako dito. Pero, nasaan nga ba ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AlmusalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon