Noong una kitang makita, walang kilig
Nakausap pa kita pero ang tingin ko sa iyo, wala lang
Ewan ko ba, hindi ko maintindihan
Lahat ay nagbago nang hindi ko inaasahanAng mga ngiti mo ay may kiliting hatid
Ang mga simpleng kaway o senyas mula sa iyo
Sapat na upang matuliro ang aking puso
Nawawala sa aking sarili, tumatawa sa mumunting biroLumipas ang panahon, mabilis pa sa alas-kuwatro
Tandang-tanda ko pa noong magkasama tayo
Sa maliit na espasyo, lumabas ang litrato mo
May kasama kang babae, marahil ay kasintahan moOo, aaminin ko, nasaktan ako
Nainggit ako nang husto
"Kung payat ako, mapapansin mo ba ako?"
"Kung maganda ako, may pag-asa bang maging tayo?"Paulit-ulit ang mga tanong sa aking isipan
Kahit isa ay hindi mabigyan ng kasagutan
O kaya naman, alam na ang sagot pero ayaw harapin
Na kahit kailan, hindi ka magiging akin...
BINABASA MO ANG
Broken Heart (Poem Collection)
PoetryHere are my short poems. Sana ma-enjoy niyo! :)