Lyn: Huy Reanne! Tulala ka nanaman dyan...
"Kala ko talaga siya si Charles eh.."
Si Charles. Ang pinagbuhusan ko ng panahon at paghanga. Yung tipong nung una tinitignan tignan ko lang, naging kaibigan, nagkaaminan, pero hanggang dun lang. Para saken okay na yun.. Nakasama ko naman siya at nagkakilala kami ng lubusan. Kaya nga pag may problema ko siya agad yung naiisip kong pwede takbuhan.
Alam niya agad kung pano mapagaan pakiramdam ko eh. Kaya siguro namimiss ko siya... kasi sa puntong 'to mukhang kailangan ko siya. :(
Lyn: Ni Charles?! Oh, E ba't di naten siya nakikita? I mean ba't ngayun lang?
"Uhmm... Transferee? Lower year?"
Lyn: Hmm.. Sige. Tanong naten sa kapatid ko.. Baka kilala niya si "Charles" .. Hehehe. :D
Si Lyn... matagal ko na siyang kilala. Elementary pa yata?! Pero nitong Junior High lang kami naging ganito. Magkaclose. Parang magkapatid na actually. Hindi siya yung typical girl... Hindi ganun ka'baet or ka'sweet, Not at all. Pero once nagclick kayo, she's the "best-est" friend you could ever have. ;)
Onting pangpagulo. Sabay. As in sabay kami ni Lyn na nagkagusto kay Charles. Yung sa kanya nga lang, itinago niya. Di ko naman gugustuhin na itago niya 'yun. Pero nangyari na, parehas lang namin naranasan yung feeling na "umasa ng konti". At yung mga salitang "Andito lang naman ako para sayo eh." Haay buhay. <3 Buti nalang, kagaya ko eh nakamove on na rin siya. Anytime soon, sasagutin niya na yung manliligaw niya. :)
Lyn: O pano, sa uwian nalang ah? Di ako bababa mamayang lunch, gagawin ko yung sa Fili eh...
"Okay. Sige. Checking na nga samin ngayun eh."
Lyn: Sabihin mo naman kay Glaiza lumabas siya ng room! Busy lang?!
"Hinde. Tamad lang. Haha. Osige na.. mamaya nalang... :)"
Si Glaiza. Siya yung kukumpleto sa "Powerpuff Girls". Hehe. :D Siya yung mabait. Yung sweet. Yung hindi mo makikitang magalit... Junior High ko din siya nakaclose. Same heartaches kasi eh. XD Ngayun, classmate ko parin siya, si Lyn ang napahiwalay kaya tuwing break nalang kami magkasama.
"Glaizaaa! Nakita ko si Charles!"
Glaiza: Huh? Pumunta siya dito?
"Hinde. Kamukha lang. Haha! Pero parehas talaga eh... Clone?! =)) Itatanong nga daw ni Lyn sa kapatid niya baka kilala :)"
Glaiza: Ayan nanaman kayo ha.. 'di makagetover?? Nag'graduate na't lahat lahat, Charles parin? Ang dami dami dyan oh. :p
Lumipas ang palagi naming boring na pagbabasa ng El Filibusterismo sa Filipino Class.
Naglunchbreak. Nagkopyahan sa seatwork sa Physics, at nagfoodtrip habang values.
Naguwian.. Tumamaby kasama si Lyn magantay ng 5 o'clock. School bus kasi ang service niya, at kailangan ko naman antayin ang kapatid ko.
Uuwi. Magtetext ng konti. Surf ng net. Tulog.
Ganyan natatapos ang araw ng single na kagaya ko. Masaya naman kung tutuusin pero minsan parang may kulang rin.. :')
"JANG!"
(Susunod..)