"Hanggang kailan ako maghihintay na makasama kang muli sa buhay kong puno ng paghihirap..."
Naririnig ko sa hindi kalayuan ang boses ng kumakanta. Palagi ko syang inaabangan sa punong iyon tuwing a- sais ng bawat buwan. Palagi ko syang tinitingnan sa malayo, kahit hindi nya alam. Bakit kaya sya andun every 6th of the month?? Palagi lang nya hawak ang gitara nya tsaka kumakanta at walang pakialam sa mga dumadaan.
Hindi naman aakalaing pulubi dahil sa itsura pa lang ay alam ng may kaya sa buhay. Naka shades ito at khaki shorts at plain white shirt. Ang gwapo. Nakakainis kasi malayo pa lang gwapo na. Sa tantya nga nya ay nasa 30 na ang edad nito. Bakit kaya sya andun? Well.. Siguro ang tanong bakit kaya sya andito at naku curious sa taong iyon. She's 21 now at simula noong 18 pa lang sya ay nakikita na nya ang lalakeng iyon doon kaya siguro natawag ang pansin nya.
Paano naman. Ang punong pirmes nitong tinatambayan ay abot tanaw lang sa paboritong puno nya sa park na iyon. It's her favorite tree dahil doon naganap ang huling picture taking nilang pamilya noong buo pa sila. Her dad and mom got separated a few years ago and she always visit that tree whenever she wanted to feel whole.
Maya maya ay nakita nyang tumayo na ang lalake at pinagpag ang shorts nito kahit hindi naman nadumihan. Isinukbit nito ang gitara tsaka tinanggal ang shades. Nalaglag ang sandwich na hawak nya! Kaganda ng mata naman pala! Medyo nataranta pa sya ng makitang sa direksyon nya ito dadaan. Pasimpleng inayos nya ang sarili at nagkunwaring abala sa ginagawa.
Sakto naman na tumunog ang cellphone nya. "HELLO?" May kalakasang sambit nya. Medyo mahina kasi ang signal sa kinaroroonan nya.
"Abby, asan ka ba?"
Kahit hindi ito magpakilala ay alam na nya. Ang kuya nyang over protective. She rolled her eyes.
"Kuya, pauwi na ako."
"Nasa park ka na naman ba??" Sunod nitong tanong.
"Yesie! But I'll be home in ten minutes. Wait mo lang ako dyan, ukey?" She giggled. Her kuya still thinks she's in pre- school. Maya maya ay may kumalabit sa bumbunan nya!
"Ten minutes sure ka??" Pinanlalakihan sya ng mata ng kuya nya.
"Hehehe hindi na andito ka na kaya tambay muna tayo another one hour kuya!" Pagpapa cute nya sa kapatid.
"Dave?" Sabay silang napalingon sa boses ng tumawag sa kapatid nya. Nanlaki ang mata nya at tumaas ang balahibo sa batok nya!
"The infamous Mart dela Cruz! Haha what are you doing here, man??" Nag akapan ang dalawa at naiwan syang tameme. Akalain ba nyang magkakilala ang kapatid at ang inii- stalk nya!
Mart dela Cruz.... Hmm yun pala pangalan nya..
"I've been here since last year, man! Pauwi uwi lang ng pinas to visit De--, Oh well, let's catch up! Wanna go hit the club or something??" Tanong nito.
"I'd love to but damn, I am a married man now. My wife will kill me. Can I just invite you in our house instead?"
"Ehemm.. Mmeherm!" - Abby
"Oh, I forgot kapatid ko nga pala. Si Abby. She's a brat don't mind her." Pambubuska ng kuya nya.
Nakakainis! Panira ng moment!
Mart offered his hand as a gesture for handshake. "Hello, young lady." He said while looking directly at her while smiling.
Nanuyo ang lalamunan nya. She accepted his hand and she felt her palms getting hot and sweaty as well as her cheeks getting flushed! Wala syang masabi kundi..
"Hi kuya.."
❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
My Broken Casanova (Mart dela Cruz story)
General FictionI'm Mart dela Cruz. I'm every woman's man. The Casanova Heartthrob. I date. A lot. Tao lang ako. Pag babae na ang lumalapit. Sino ba naman ako para tumanggi. I hate saying no to women. But I see to it that they know where they stand. I'm just me. An...