Chapter 1 : Nostra

54 1 2
                                    

- Nostra's Mansion

Kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan sa labas ng mansyon ng mga Nostra.

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ng dahil sa biglang malakas na pagkulog kasabay ng bahagyang pagliwanag sa loob ng aking silid.

Bumangon ako at nagtakip ng tenga, patuloy padin ang malalakas na pagkulog ganun din ang matatalim na pagkidlat. Takot na takot man bumaba parin ako sa higaan ko at dahan dahang naglakad papalapit sa pintuan ng silid ko, balak ko sanang pumunta sa kwarto ng lolo ko upang doon matulog, natatakot kase kong mag-isa, ngunit bago ko pa man mabuksan ang pinto ng kwarto ko nakarinig ako ng isang putok, putok na sigurado akong nagmula sa isang baril at nasundan pa ito ng ilan pang mga putok.

Nami! Apo!

(toktoktok! ... toktoktok! ... toktoktok!)

Narinig ko ang boses ni Lolo mula sa labas ng pinto ng silid ko, para bang hingal na hingal sya at ano mang oras ay mauubusan na ng hininga, Nagmamadali sya sa bawat pagkatok nya sa pintuan ko. Agad kong binuksan ang pinto, nakita ko si Lolo na hawak hawak ang paborito nyang katana, may dugo sa talim ng katana nya,  may sugat din sya sa braso nya. Agad na pumasok si Lolo sa loob ng kwarto ko, lumuhod sya sa harap ko at itinukod sa sahig ang hawak nyang katana.

Lo, ano po bang ngyayari?

bakit po napaka ingay sa labas, bakit po lahat sila nagkakagulo?

may sugat po kayo sa braso nyo, may dugo ... Mangiyak ngiyak kong sabi sa lolo ko.

Nami, Apo ...

Ano po yun Lolo?

Apo, malaki kana diba? Big girl na ang kaisa-isa at pinaka maganda kong apo. Gusto ko tuparin mo ang mga pangarap mo, Gusto mo maging isang guro diba? Paghusayan mo Pagaaral mo at magsipag ka para matupad mo yun.

T.O.P GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon