Chapter 1

7 1 4
                                    

Six... Seven..... Eight.... Nine.... Ten

Ting ting ting ting

Parang musika ang tunog ng bell para kay Zach

Natapos na naman ang laban ni Zach kontra sa hapones na boksingero at inaantay na ang resulta subalit alam na naman nang lahat na siya ang nanalo dahil sa pagknock out niya sa kalaban.

And the winner, by a unanimous vote of 3 judges tonight I give you .....still the undefeated champion of the world Zachary "the lion" Smith.

Tinaguriang lion si Zach ng ring dahil sa galing niya sa paglaban. Kung papaanong hari ng mga hayop ang lion ganun dyan siya subalit hari ng boxing.

Buhay ni Zach ang boxing, hindi siya lumalaban dahil gusto niyang sumikat o di kaya ay gusto niyang ipakita sa buong mundo ang talento niya. Lumalaban siya dahil gusto niya ang kanyang ginagawa.

He was blinded by all the flash of the camera. Zach's love the ring but what he don't love is all the flash of the camera and the paparazzi. Dali dali syang nagpasalamat sa mga fans at sa kanyang team at nagtungo sa exit para na rin bumalik sa hotel na tinutuluyan niya upang makapagpahinga na.

Napabuntong hininga na naman si Zach at napahawak sa sintido ng makita ang mga nakasunod na paparazzi na naghihintay ng mga susunod niyang galaw upang may maiistorya mamaya sa balita. Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ang mga ito at pumasok na sa silid. Hindi kagaya ng ibang mga boksingero na pagkatapos ng laban ay puro celebration at press conference, mas gusto ni Zach na pagkatapos ng laban ay mapag-isa upang makapagpahinga.

Hatinggabi ng magising siya dahil sa pagkulo ng tiyan niya gusto niyang kumain subalit ayaw niyang maistorbo pa ang mga nasa paligid niya dahil alam niyang pagod na din ang mga ito lalo na at hating gabi na.

Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa kanya paglabas niya kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Ibang-iba talaga ang Japan sa Pilipinas, sa klima pa lang at istraktura ng mga buildings mahahalata muna na nasa maunlad kang bansa. (no offense) Wala ka ring kalat na makikita.

Naglakad lakad siya ng may makitang convenience store sa kabilang kalsada. Sa pagkulay green ng stoplight dali dali siyang tumawid ng kalsada ngunit hindi nya nakita ang humaharurot na van. Isang malakas na tunog ang nalikha sa pagbangga niya sa van. Unti-unting bumagal ang takbo ng paligid kasabay ng pagtilapon niya sa ere. Hindi alam ni Zach ang kanyang gagawin, walang siyang lakas upang tumayo.

Dugo, puro dugo ang nakikita niya na alam niyang galing sa kanya. Ito na ba ang katapusan niya? Kukunin na ba siya ng Diyos? Ligtas nga siya sa mga laban niya pero sa kalsada naman pala siya mawawalan ng buhay.

Pilit niyang nilalabanan na wag mawalan ng ulirat subalit unti-unti na syang nilalamon ng kadiliman. Hindi na niya kaya umiikot na ang paligid niya. Bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay naaninag niya ang isang magandang babae. Napaisip na lang siya, ito na ba ang anghel na susundo sa kanya?

Sa kabilang banda bago mangyari ang pagkakabangga ni Zach

Kaaalis lang ni Mina galing sa shift niya bilang isang nurse sa isang kilalang ospital sa Japan. Habang pauwi na naisipan niyang dumaan sa convinience store upang bumili ng makakain.

Pagkapasok niya kumuha siya ng instant ramen, tubig at tinapay. Pagkatapos niyang magbayad umupo siya sa bangko at malayang tumingin sa labas habang naghihintay maluto ang ramen niya.

Habang nakatingin sa labas kitang kita mo ang bilog na buwan kasabay ng unti unting buhos ng unang snow sa Japan. Tandang tanda niya pa dati, pangarap niyang makakita ng snow noong nasa Pilipinas siya.


Ilang taon na rin siyang wala sa Pilipinas.

Siyam.... Sampu o Labing-isa

Hindi na rin pala mabilang kung ilang taon na siya namalagi sa Japan simula ng magmigrate sila. Kamusta na kaya ang mga kaibigan niya lalo na si Aki.


Nilamon na ng pag-iisip si Mina at pagtanaw ng nakaraan. Hanggang sa nakita na lamang niyang may tumilapon sa ere. Dali dali siyang lumabas upang tingnan ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon