Just a short oneshot. Hehe.
"Daddy, Daddy!" Lumingon ako sa anak ko na naglalaro ng kanyang mga manika. I raised both of my eyebrows and smiled at her. "Yes, baby?"
"Can you make kwento again yung lovestory nyo ni Mimi? So that Barbie will know it, too!" Magiliw na tanong nya sabay turo sa hawak nyang manika. Napahalakhak ako sa ka-cute-an ni Elle. Binuhat ko s'ya. Umupo kami sa sofa at ipinatong ko sya sa kandungan ko.
"Daddy Daniel met Mimi Kathryn sa prom namin." Pagsisimula ko. Ngumiti si Elle at iginalaw ang kanyan manika para kunwari ito ang nagsasalita. "Really? That's so sweet!" Komento nya.
"Our teachers told us to find the most beautiful girl in our eyes. At first, wala akong balak na gawin iyon pero napalingon ako at nakita si Mimi Kathryn." Pumalakpak si Elle at pinapalakpak din ang manika nya. Pinagmasdan ko muna sya bago ipagpatuloy ang kwento. Kamukhang kamukha nya ang Mimi nya. Ang daya, bakit walang nakuha sakin? Pati ugali, mana sa nanay, eh. Pero okay na rin yun. Atleast parang kasama ko din si Kathryn, kahit mawala sya.
"Nilapitan ko si Mimi Kathryn and asked her if I may dance with her. That was our first dance.." Tahimik na nakikinig ang unica hija ko. Kathryn is my first dance, my first love.. She's also my first heartache and my greatest downfall. I can't survive a day without her, pero parang kailangan ko nang masanay kapag nawala s'ya. "Syempre, ligaw muna. And then naging kami. Mahal na mahal namin ang isa't-isa.. At syempre, ikaw din!" Pinanggigilan ko ang pisnge ni Elle at natawa naman sya. Ang cute ng tawa, mana sa nanay. Hay..
"And then, Daddy? What happened next?" She asked as if she didn't know what's next.
"And then we had you." Oo, maaga kaming naging magulang ni Kathryn. Pero hindi namin pinagsisisihan iyon. Pinasasalamatan pa nga namin ang Panginoon at binigyan nya kami ng napakagandang anak.
"Daddy, how to make babies ba?" Natawa ako sa tanong nya. Napakainosente, manang mana talaga. Umiling ako. "Hindi mo pa pwedeng malaman 'yun, baby. Baby ka pa, eh. Pang-adults lang 'yon." Natawa ulit ako at tumango nalang si Elle. Umalis na sya sa kandungan ko at umupo na sa sahig para maglaro ng dollhouse nya.
"Bal.." Tumingin ako sa may pintuan ng kwarto namin. Otomatikong ngumiti ako at nilapitan sya.
"Oh, Bal? You should be resting." Inalalayan ko sya papasok ulit ng kwarto. Parehas kaming umupo sa kama. Hinawi ko ang buhok nya at hinawakan ang pisnge nya.
"Are you okay? Do you want something?"
Umiling sya. "Yes, Bali. I'm okay. I just want to go to our resthouse in Batangas.."
"Oh, edi, we should pack our things na—"
"Hindi, Bal. Mabilis lang tayo don. Iwan nalang natin si Isabelle kena Mama Karla or kena Mama." Tumango ako at kinuha ang susi ni Gino, my Dodge Challenger.
Isabelle Benardo–Ford. Iyan ang pangalan ng anghel namin. Gusto ni Kathryn ay Sab, ang gusto ko ay Elle- nakuha ko yon sa Elephant na paboritong animal ni Kathryn at nalaman ko na ang mga Elepante daw ay hindi nakakalimot.
"Tara, Bal." ( <-- 525th word yung 'Bal' lol skl -author)
Umalis na kami at inihatid muna si Elle sa bahay nina Mama Karla. Kalaro nya sina Carmela at Jordan kaya hindi naman sya mabobore doon.
"Why are we going to Batangas ba, Bal?" I asked.
"Wala lang. I just want to dance by the beach with you." Nakangiti nyang sabi. Wala na akong nagawa kundi tumango. Sigurado kasi akong magmamarakulyo ito kapag hindi nasunod ang gusto nya.