Hindi ko pa man na mumulat ang mga mata ko, napangiti na ako dahil nagising akong may humahalik sa magsisiyam na buwan kong umbok sa tiyan. Thank you Lord! Thank you for allowing me to wake up everyday feeling the unconditional, genuine love from my husband. Habang nakapikit pa rin, inabot ko ang likod ng ulo ng asawa ko at sinuklay ang mga daliri ko sa buhok niya.
"Good morning pare. Malapit ka nang lumabas!" Mas lalo akong napangiti dahil sa tuwa ng boses ni DJ. Hinaplos niya ang tiyan ko at nagsimulang humuni ng kanta.
Araw nalang ang hinihintay namin para makita ang mini DJ namin. Unlike other couples, hindi problema sa amin ni DJ kung ano ang gender ng magiging unang anak namin. Gaya nga ng sabi ni DJ noong tinanong ko siya—kung anong gender ng anak ang gusto niya—noong nalaman niyang buntis ako, "Malusog. Kahit ano mahal basta healthy ang magiging anak natin."
Ilang araw na akong nakakaramdam ng sakit ng ulo. Tuwing sumasakit pa ang ulo ko, ayokong nakikita si DJ. Ewan ko pero inis na inis talaga ako sa kanya. Lagi rin akong nagc-crave ng puto na may cheese at red egg sa ibabaw. May mga times din na gusto ko ng lumpiang gulay na may sawsawang maasim na sukang may sibuyas at sili. Kahapon nga nakaubos ako ng lima. Nangangasim si DJ habang pinapanood ako kahapon at nagbiro siya. Birong gumising sa katawang lupa ko. Paano nga? Paano kung buntis na pala ako? Pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon kahapon nainis ako sa kanya at pinalabas ko siya ng kwarto namin dahil ayoko siyang makita. Mukha siyang mabaho eh. Ayoko 'yong amoy ng damit niya masyadong mabango. Mas gusto ko pang suka nalang ang iligo niya sa katawan niya.
Pero ayun nga, hindi ko naman maiisip na buntis talaga ako kung hindi nabanggit ni DJ 'yon. Lalo na ngayon, nararamdaman ko nanamang nasusuka ako.
Inalis ko 'yong mga paa at kamay ni DJ na nakabalot sa akin habang nakatalikod ako sa kanya. Nagmadali akong nagpunta sa washroom at sinara ang pinto tska ako humawak sa lababo at nagsimulang sumuka kaso—wala namang lumalabas. Gusto ko nang sundutin 'yong ngala-ngala ko para lang may mailabas ako pero wala talaga. Ibinaba ko 'yong lid ng toilet bowl tska ako umupo. Napahawak ako sa ulo ko, alam ko sa sarili kong buntis ako pero kailangan kong ma-confirm ang nararamdaman ko.
Umalis ako ng bahay at nagpaalam kay DJ na bibisitahin sila mama. Gusto niya akong ihatid dahil baka raw mahilo ako pero hindi ako pumayag dahil hindi naman talaga ako pupunta sa bahay—besides, kailangan niyang pumunta sa restaurant to check how's it going. Pagpasok ko sa clinic ng OB Gyne ko, hindi ako kinakabahan, more of excitement ang nararamdaman ko. Kung magiging malungkot man ako, 'yon ay dahil hindi pala totoo ang kutob ko.
Sinabi ko sa OB 'yong nararamdaman ko araw-araw Hindi ko na alam ang nangyari noong sinabi sa akin na I'm three weeks pregnant.
THREE. WEEKS. PREGNANT. I AM PREGNANT!
Gusto kong umuwi agad ng bahay at huwag nang patapusin ang sinasabi ni doc dahil hindi ko naman na siya naiintindihan. Gusto kong sabihin kay DJ ang good news! Sigurado akong magiging masaya siya! Gaya ng saya ko ngayon.
Sinuguro kong maingat akong mag-drive pauwi ng bahay kahit ayaw nang apakan ng paa ko ang break ng sasakyan para makauwi agad ako. Pero nasa Manila ako at katumbas ng salitang Manila ay ang shining shimmering splendid na TRAFFIC.
Kaya tuwing hinihinto ko 'yong sasakyan dahil sa traffic, hinahawakan ko ang tiyan ko at kinakausap ang little Ford namin ni DJ. I love you so much anak. Nakaraos din ako at nakarating sa bahay ng safe. Dinatnan ko ang bahay na walang tao. Tinext naman ako ni DJ kanina na nasa restaurant siya pero uuwi rin daw agad kaya sabihin ko raw kung gusto ko ng puto at vegetable lumpia. Hindi ko siya ni-reply-an dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at ma-spoil ko sa kanya ang surprise ko.
BINABASA MO ANG
The Fords
FanfictionSix to seven years from now, what do you think the 2017 Box Office King and Queen/ Youngest Box Office Love Team would be? Parents? Maybe.