Patawad

2 0 0
                                    

Di ko alam kung saan ako magsisimula
Kung dapat ko ba talagang simulan ang tulang to o papanitilihin ko nalang sa dibdib ko.
Mahal, wala akong ibang mapagsabihan
Ikaw at ikaw lang ang takbuhan ko sa mga oras na kailangan ko nang kausap
Pero mahal, saan ka?
Asan ka na?
Hindi ka na ba talaga babalik?
Hindi mo na ba babalikan ang dating tayo
Wala na bang Ikaw at Ako?

Hindi ko aakalain at hindi ko parin inaakala na mahuhulog ako sayo
Na mabubuo yung salitang Tayo

"Bakit naging Tayo?"
Palagi kong tanong sa isipan ko na minsan ko naring natanong sayo
Hindi minsan, palagi.
Paulit ulit. Nakakarindi.
Patawad mahal, di ko parin talaga mawari
Na ang datiy di pinapansin, ngayoy gumagawa nang paraan para mapansin
Na ang datiy estranghero, ngayoy naging parte, Malaking parte sa buhay ko.

Naalala mo pa ba o ako nalang ba ang nakakaalala kung paanong Ang Ikaw at Ako, unti unting naging Tayo?
Naalala ko, Sa simula hanggang sa huli
na syang kay hirap ding idetalye
Dahil mahal, sa bawat pagbalik ko nang mga alaala na meron tayo
Sa bawat lingun ko, Nahihirapan akong humarap pabalik at umusad ulit.

Pero heto ako si tanga
Lumilingon parin pabalik

Dahil Mahal, ang saya pala
Ang saya pala noon
Ang saya palang may ikaw na kinakantahan ako
Ang saya palang may ikaw na tinatawagan ako palagi
Ang saya palang sabihan nang maganda
Ang saya palang merong ikaw na nagpapa alala sa kin na kumain na ako, matulog na ako. At mahal na mahal mo ako.

Mahal, noon yun.
Tanga! noon yun.

Napagod ka.
Hinahanap ko, Pero napagod kana.
Gumagawa ako nang paraan para mabalik
Oo naging desperada ako
kung noon pinasaya mo ako
Gusto ko ako naman magpasaya sayo
Nagbabasakali
Nagbabasakali na sa paraan ko mabalik yung noon.

Mahal patawad
Patawad sa pagpilit
Patawad sa pabalik balik na pagpapaalala
Patawad sa hindi ko pagpigil sa aking bibig at hindi ko pagiisip
Patawad sa pagsuko at pagpapa-alam nang walang pasabi
Patawad sa pagmamahal ko nang lubusan at sa paghihingi nang sukli
Patawad sa hindi ko pagsabi sa iyo nang harap harapan dahil naduwag ako, mahihirapan lang ako sa pagbitiw.  patawad, ang sakit na.
Mahal patawad, di ko na kaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PatawadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon