Sending A Message

59 2 0
                                    

(Chapter 3) Sending A Message

12:20 na pala ..

halos isang oras din pala kami nagusap .. :)

parang ang bilis ng isang oras ..

nabitin ako !

nga pala !

kumusta na kaya yung tatlong naiwan ko sa loob ?!

agad akong tumungo papunta sa bar

pagpasok ko sa loob

* oh ! natagalan ka ata ?! naka-ilang yosi ka ba ?! *

bati sa'kin ni Dodiex bago pa ako makaupo

isa lang ..

(sagot ko kahit hindi naman talaga ako nanigarilyo)

* nga pala ! kinausap kami ng manager, pinapatugtog tayo dito kahit isang linggo lang, nagustuhan daw kasi ng may ari ng bar yung mga kanta mo ! *

banggit ni Rey sa'kin

bigla akong nakaramdam ng tuwa sa sinabi nya

nakakataba lang kasi ng puso na kahit papano may naka-appreciate din ng mga kanta ko !

* nasa sa'yo yung desisyon ! gusto mo ba ?! *

dagdag pa nya

sige ba ! kahit maging permanente pa tayo dito e !

(masaya kong sabi)

at nakita ko sa mga mukha nila na tila natuwa din sila sa desisyon ko

* bukas na tayo magsisimula ! *

sabi ni Jubail na parang natatawa

(bukas agad ?!)

nagtaka ako dun !, mukhang nag desisyon na tong mga to kanina bago pa nila ako tanungin ah !

okay lang .. magandang opportunity naman to para sa'min e !

* oh ! tara na ! umuwi na tayo ! babalik pa tayo dito bukas ! *

yaya naman ni Dodiex

tumayo naman agad kami at lumabas na ng bar para umuwi ..

..

nasa kanya-kanya na kaming bahay nung tumingin ako sa relos ko ..

1:30 na pala ako nakauwe ..

tulog na yung mga tao dito, buti nalang may sarili akong duplicate na susi ng pinto kaya nakapasok agad ako sa loob

dumiretso na'ko ng kwarto ko kasi inaantok na'ko

pag higa ko sa kama ..

naalala ko si Anne ..

malinaw parin sa alaala ko yung kagandahan nya ..

oo nga pala !

kinuha ko nga pala yung number nya kanina !

kinuha ko agad yung cellphone sa bulsa ng pantalon ko

may nakita akong bagong pangalan sa contact list

(Anne Melada)

sya na rin pala nag save nito ..

naalala ko pa yung huling sinabi nya sa'kin kanina

" i-missed call mo nalang yung number mo ha ?! "

kaya agad akong tumawag sa kanya

*ring*

*ring*

*ring*

ilang segundo din yung lumipas pero hindi nya sinagot yung tawag ko ..

Behind The Love SongsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon