37

463 37 12
                                    

VERMILLION

Sinusumpa kita, Greige Andrada. Sinasabi ko talaga sa iyo eh, kung hindi lang talaga kita mahal, hindi ko ito gagawin eh.

Habang hinihintay ko ixerox ni ate yung mga papel, may dumating na dalawang babae sa gilid. Napatingin ako sa kanila saglit pero hindi na lang sila pinansin.

Ang hirap maging maganda, tsk.

Maya maya, tinawag ako nung isa gamit yung balikat niya. Aba, close kami eh noh? "Ate, ano daw pangalan mo sabi niya?" Umiling na lang ako tapos binalik yung tingin sa nagxexerox.

"Ate, ang ganda mo daw." Alam ko na yun. Pero nakakaloka ah, close talaga kami eh.

"Ate, ano pangalan mo?" Ang kulit! Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis eh.

"Abi." Dapat talaga Greige ang sasabihin kong pangalan eh, kaso may awa pa ako sa gagang yun. Hindi ko nga alam kung saan ko napulot yang Abi na yan eh.

"Taga-saan ka, te?" Te, close tayo talaga! Naiinis na ako pero hindi ko lang pinapahalata. Damn, I'm not interested in girls.

"Taga-diyan lang sa tabi." Hindi ko na nilagyan ng emotion yung pananalita ko para tigilan na niya ako. Sakto naman after nun may tumawag sa akin.

luv calling...
Accept | Decline

"Luv, nasaan ka?"

"Nagpapaxerox sa tabi, bakit?"

"Kain tayo, luv. Nakakatamad magluto sa bahay eh." Nako, Estrada, hindi ka naman talaga marunong magluto. Pero hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya.

"Libre mo ba, luv?"

"Syempre naman, luv. Ikaw pa ba?"

"Sige, puntahan mo ako dito."

"Okay, malapit na ako diyan. Wala pang one minute nandiyan na ako. Bye." Binaba na niya yung tawag kaya sinara ko na yung phone ko.

"Te, may boyfriend ka na ba?" Medyo iniisip ko pa kung sasagutin ko ba yung tanong niya o hindi. "Luv!" Sakto naman dumating itong si Neon tapos umakbay sa akin. Normal naman na sa amin yun.

Ginawa ko, umakbay ako sa bewang ni Neon na hindi ko naman madalas ginagawa. "Oo, ito nga pala yung boyfriend ko." Panigurado akong magugulat itong Neon sa sinabi ko kaya pinisil ko yung pwet niya para pumayag siya.

"Ah, oo nga. Bakit? May problema ba kayo sa girlfriend ko?" Mukhang nagulat naman yung dalawang babae kaya nginitian ko sila. "Wala po, naitanong lang namin."

Biglang ganun?!

"Ah! Sa susunod, kung may problema kayo sa girlfriend ko, sa akin niyo itanong, huwag niyo siyang guluhin." Tumango naman yung dalawang babae.

And then I realized, what Neon and I were doing suddenly felt.. real.

STIGMA | VRENETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon