Boy version

8 1 0
                                    

Noong una, hanap ko lang talaga ang maka-usap sa ganoong social media. Noong una, hilig ko lang mang trip sa taong 'di naman ako kilala. Noong una, nakakasawa na pala. Araw-araw parang ganun ang roleta ng buhay ko. Ikot-ikot, ganun ang nangyayare. Nasawa ako, tinago ko sa cellphone ko ang application na 'yun. Kaya naging Instagram-Facebook-Wattpad-Google-Youtube, ganun lang ang buhay ko araw araw.Nakakabagot, natutulog ako pag sawa na ako kaka gamit ng Internet. Kumakain ako pag gutom na, nagluluto ako pag nautusan. Naglalaba ako pag madami ng labahan. Nagsisimba pagsapit ng Linggo.  Imagine, ganun ang buhay ko habang naghihintay ng application ko para sa work. Malaking kabagutan.

Isang gabi, Around 10 P.M., I viewed my hid applications in my phone nga. Tapos, nakita ko itong application na 'to. I clicked show hidden application. Natripan kong gamitin ulit. Na sana, di ko nalang pala pinaki-alaman pa ang nakatago na. So, ginamit ko na nga. I tried to connect na. Noong una, parang nasawa na naman ako. Nakakawalang gana na pala pag nasawa kana. (Real talk) Pero, di ko alam eh. Nakatakda yata talagang mapaglaruan ako ng tadhana. May nag chat. I replied. He replied. Feeling ko alam niyo na 'tong application na ito eh. Pero hayaan niyo na. Di ko parin sasabihin. Hi-Hello kami tapos  tinanong niya ako ng, Age, Place, Gender. Lingid sa kaalaman niya, nauna akong mag tanong. Sa kakatambay ko dati sa app na yun, kaya alam ko na ang sistema, paunahan nalang kung sino ang unang magsasabi ng identity. Syempre ayaw ko ng maunahan ako noh.

Non-vervatim

"Nauna akong magtanong." Reply ko sa kanya.

"Ako kaya ang nauna." Saad niya pabalik.

"Kahit tingnan mo pa." Giit ko sa kanya.

"Oo na."
"M,21,Manila".  Yan ang sagot niya.
"Ikaw?" Tanong niya ulit.

"Kailangan ko pa bang sabihin?" Sabi ko. Pero that time, I was typing na. At sinend ko ulit.
"F, 20, Bicol".

"So, pareho pala F hanap natin." Sa sinabi niya, nagulat ako. Nyeta, napagkamalan pa akong lalaki. HAHAHAHAHA

"Hoy, babae ako. Hahahahaha" Dali dali kong reply sa kanya. Na judged ako sa sagot kong "kailangan ko pa bang sabihin."

"Sorry naman, kala ko kasi lalaki ka. Ang datingan kasi ng sagot mo pang lalaki. Hahahahahaha" Sabi niya. Sa isip isip ko noong panahon na yun, yan kasi di marunong maghintay ng reply,nanghusga agad hahaha.

Halos di ko na maalala ang mga palitan namin ng kalokohan, puro biro lang. Ang sarap nyang kausap. Na share niya na, kaka installed lang daw nya ng app na yun.

"Yung una, Na off WiFi namin kaya na DC, yung pangala, hi-hello lang ata ang pangatlo, ikaw". Yung sabi niya. So, nagulat ako. It was his first used nga ng app na iyon.

Puro, tawa lang ng tawa. Akala ko nga ako lang ang may case ng tawa ng tawa. May ganung topak din pala siya na ganun.

"Naka apat na GFs ako. Promise puro seryoso yun, wala akong niloko." Sabi nya, grabe yung pagka defensive. Para naman ija-judge ko siya.

"Ako ang pang lima pala. Hahahahaha" Hirit ko naman. Ayun tawa ng tawa lang kami. Parang isang dekada na talaga kaming magkakakilala.

"Di ko namalayan ang oras, sarap mo kasing kausap na bata ka." Sabi niya. Kahit ako sarap na sarap sa usapan namin. Kung tutuusin, walang kwenta. Puro asaran, lokohan. Yung akala ko na hanggang doon  lang.

"Anong nickname mo?" Tanong niya.

"Kahit ano lang." Sagot ko naman.

"Sige kahit ano lang, anong pangalan mo sa Facebook?" Tapos natawa naman kami. Nakakatanga talaga ang conversation namin.

Nagkabigayan na nga kami ng Full names. That was my first time na ibigay ko ang true name ko. Di ko alam, nag tiwala agad ako. Parang nakiki-usap kasi ako sa salamin, sa shadow ko. Kasi ang totoo niyan, Boy version ko siya. Ang gaan sa pakiramdam, tipong ang saya lang. Parang I found the one. Nakakainis diba. Hanggang sa idol kong NBA player, nagkaasaran na kasi, iba man idol niya. Hanggang napunta sa bisyo.

"Di ako nag yoyosi, umiinom pero pag may okasyon lang." Actually, his confession shocked me. I bet, 80% na kalalakihan nag yoyosi eh.

"Grabe maka buhat ng sariling bangko ah." Pang aasar ko sa kanya.

"Real talk yan, eh ikaw may bisyo ka ba?" Tanong niya sa akin. Habang nag ta-type ako. He sent a chat again.
"Huwag kang mag alala tanggap kita kahit may bisyo ka." Sira ulo diba.

"Gage, di nga ako nakaka-love life, bisyo pa kaya." Sagot ko naman natatawa.  Ayun tawang tawa naman kami. 

Hanggang dumating ang oras, na DC kami. I did not do anything. Kaya sabi ko baka siya.

I looked for him on facebook, but I didn't add him. I just chatted him on messenger.

"Grabe ka, nang-e-ewan ka sa ere. Hahahaha" Biro ko naman sa kanya.

"Ikaw kaya." I was a little bit surprised na nag reply siya agad. Hinanap niya din pala ako agad. He sent a screenshot, na ako nga ang nag DC daw. Baka nag technical error lang.

He added me pala agad, pero sabi ko bago ko i accept, hulaan mo muna kong nasan ako sa cover ko. Kasi naka friends only lang photos ko. Ang DP ko, yung NBA player nga, ang cover ko Group Picture( 8 girls, 1 boy.)

"Di ako handa sa ganitong portion, mahirap pa tu sa finals exam." Pag rereklamo niya. Sabi ko, isang hula lang pag hindi mo mahulaan, wala ng chance. Una palang nahulaan niya na.

"Ay mali ka, sorry." Sabi ko. Pero tama talaga.

"Seryoso ka?" Pagtataka niya.

"Opo." Sabi ko.

"Siguro ikaw na to?" Sabay sabi niya sa katabi ko. Natawa ako, ambilis mag pili eh.

"Akala ko loyal ka." Sabi ko sa kanya, pumalit kasi agad ng pinili eh. Hahaha.  Pero lingid sa kaalaman niya, friends na kami, kasi inaccept ko na siya eh. I stalked him na, nakita ko kung gaano sila ka close ng pamilya niya. Nakita ko din ex niya. Tapos senind ko sa kanya. Dun niya lang na realize na friends na kami.

Hanggang nag desisyon kami na matulog na. Madaling araw na kasi nun. To make the story short naging kami. Hahahahahahahaahaha.

Joke. Nagkakachat kami, di ko ipagkakaila na iba siya, I mean naka isa palang akong Bf kasi focus ako sa pag aaral dati eh tsaka di pa talaga ako pwede, GG ako sa pamilya ko pag nalaman nila na may bf ako or nagka ex na. Iba sa iba. Nakikita ko sarili ko sa kanya eh. Di siya basta basta. Napagtanto ko, ang hirap ko palang tao, I mean nagka-clash kasi kami. Pag nag aasaran kami parang kaasaran ko lang sarili ko eh. Ako na ako, siya.

Di talaga sukatan ang taon o panahon para maging kaibigan  mo ang tao.Masaya ako na nakilala ko siya. Pero di ako umaasa na magiging kami. Parang ang hirap maging boyfriend ang kapareho mo ang ugali. Clash talaga lagi eh. Hahahahaha





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boy VersionWhere stories live. Discover now