Hindi lahat ng nagmamahal, minamahal
Hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkatuluyan
'Yung iba, palaging umaasa't nasasaktan
Dahil kanilang pagmamahala'y hanggang pagkakaibigan lang.
Bakit?
Bakit nga ba ito nangyayari?
Mga puso nati'y palagi na lang sawi
Hindi ba tayo nagsasawa?
Sa paulit-ulit na lang na 'sana'?
Sana mapansin niya ako
Sana mahalin niya rin ako
Sana maging pangarap niya na ako
Sana matupad ang mga 'sana' ko
At sana, maging 'tayo'.
SANA, isang salita
Ngunit mahirap magawa
Dahil sa tabi ko'y wala ka
At kailanma'y hindi na magiging tayo pa.
- thelmialas