Ako Nalang (ONE- SHOT)

917 35 14
                                    

Again for the million'th time. she caught my eyes

sa dinami-dami ng tao dito sa cafeteria sa mga matatamis niya pading ngiti nalalapat ang mata ko.

siya lang.

"huy Gio nakikinig ka ba pare?" natauhan ako ng kalabitin ako ni RJ.

"ha? ano ulit pasensya pre may ano lang. ah- ano nga ulit?"

sinundan niya naman ng tingin yung pinangalingan ng mga mata ko.

"seeesh~ bading ampota." pang iinis niya.

"tss ano na nga kasi sinasabi mo?" pag iiba ko ng usapan habang namimili ng makakain.

"ang sabi ko lang naman ho. ay galing ako kanina kay dean gusto ka daw niya makausap tungkol daw sa event? ayaw niya naman sakin sabihin mas maganda daw kayo mag usap." kibit balikat niyang sagot.

"ano naman ginagawa mo sa opisina ni Dean? pati ba naman yung matanda inaakit mo?" pang aasar ko.

"gago! nag pasa ako ng audit report funds ng mga student organizations! dahil isa akong huwarang SC auditor. di gaya ng PRESIDENT namin eto may tinititigan sa caf." ganti niya. tinawanan ko nalamang siya bilang tugon.

kahit kelan di na siya nag patalo. kaya mas mabuting idaan ko nalang sa tawa yung binibintang niya.

nilibot ko paningin ko.

wala na siya. ano ba yan.

matapos namin kumain ni RJ nag paalam na ako na pupunta ako na ako kay Dean Alvares.

"good afternood Dean A. pinapatawag niyo daw po ako?" magalang na bati ko kay Dean.

"oh MisterPresident. upo ka mediyo mahaba habang usapan ito." habang ikinupas yung kamay niya sa upuan sa harap ng desk niya.

di na ako nag atubili pa at naupo na ako at marahang inilapag ang ballpen at notebook kung sakaling kelangan ko mag jot down ng notes.

"ganito kasi yan Gio --" natigilan si Dean at nabaling ang atensyon ko sa marahan na pag bukas ng pinto.

halos tumigil mundo ko.

ng makita ko

siya.

yung tipong napanganga nalang ako kasi nga ang ganda niya lang. ang amo ng kanyang muka. ang makinang niyang mata.

at ang pinaka pamatay na ngiti niya.

"um.. ma'am I'm sorry to disturb. pinapatawag niyo daw po ako?" magalang na tanong niya habang nakadungaw.

nag tama ang mga mata namin.

halos matigil ako sa pag hinga ng ngitian  niya ako.

"uh. no hija we're just about to start. come in. sit down dito nalang sa tapat ni Gio." habang tinuturo ang katapat na upuan ako.

para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil nilamig ako bigla. kahit lalake may karapatan din naman ata nerbyusen no.

"ah oo nga pala. Mr. Cruz siya nga pala si Ms. Ong. Miaka Yuanne Ong ang newly elected President ng Events and Artistry Organization. nag bitiw ang former President nila na si Tamayo nung isang araw." kwento ni Dean sakin na di ko naman na sink in agad.

Ako Nalang (ONE- SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon