Noong unang panahon, sa planeta ng Mathellica, nanirahan ang magkakaibigan na sina Cal, Que, Lei, at Thor. Silang apat ay masipag mag-aral at pursigidong makapagtapos. Araw araw silang pumupunta sa bahay nila Cal upang mag-aral.
"Oy, mali naman yung sagot mo", sabi ni Que kay Thor. "2 plus-minus square root of 3 yung nakuha ko e." "Oo nga Que, parehas tayo ng nakuhang sagot", sambit naman ni Cal. "Thor, palagi ka na lang nagkakamali sa pagso-solve nyan. Hay. Check mo nga muna yung mga sign mo bago mo bilugan yang sagot mo", sermon ni Lei. "Hay. Oo na. Tama kayo. Kasi naman ang hirap naman nito", reklamo ni Thor. "Hayaan mo na yon, Thor. Bawi ka na lang sa susunod. Ayos lang yan, di naman tayo perpekto. All of us commit mistakes. Ayusin mo yan, may pagsusulit pa tayo. Mag-aral ka ha. Galingan mo", payo ni Cal sa kaibigan. "Salamat leg. Sige, mag-iingat na ako sa susunod. Mamayang gabi mag-aaral talaga ako", sabi niya kay Cal. Si Cal ang itinuturing niyang pinakamatalik na kaibigan. Palagi siyang binibigyan nito ng mga words-of-wisdom dahilan para mas pag-igihan niya ang pag-aaral.
(Leg ang tawag sa kaibigang lalaki ng isang lalaki sa Mathellica.)
Nagkakilala si Thor at Cal noong bertdey nila, sabay silang nagdiriwang ng kanilang kaarawan. Nagkataong parehong pamilya ang napagdesisyunang sa parke magdiwang ng kaarawan ng kanilang mga anak. Nang makarating sa parke, naisipan ni Thor na mag-swing. Sakto namang may paparating na bata. Si Cal pala iyon. Nagagawan sila sa iisang swing. Hanggang maabutan sila ng kanilang mga nanay na nag-aaway. Nanghingi ng tawad ang parehong nanay sa isa't isa at pati si Thor at Cal. Naging matalik silang magkaibigan pagkalipas ng maraming panahon.
Nakilala naman nila si Que at Lei sa isang contest. Magkakampi si Cal at Thor. Kalaban nila si Que at Lei na sadyang magaling. Tabla ang laban. Kailangan nilang maungusan sina Que. Tiebraker question na. Nagtanong na ang quizmaster. "Ano ang tawag sa tatsulok na may dalawang magkasinghaba na gilid?" Nagsulat na ang parehas na koponan sa kanilang pisara. Nang iharap na ang dalawang pisara, napagtanto nila Cal na mali sila ng pagkakabaybay ng 'isoceles'. Kaya ang nanalo ay sina Que at Lei. Naging magkakaibigan silang apat nang lumipat ang dalawang babae sa kanilang paaralan.
Nang gabing iyon, nag-aral ng nag-aral si Thor. Ni-review niya ang bawat nakasulat sa kanyang kuwaderno. "Gusto kong patunayan sa kanila na magaling din ako sa Matematika", hamon ni Thor sa sarili. Natulog siya ng mga bandang alas-nuebe ng gabi. Kompansiya siyang may maihaharap na 'Thor na magaling sa Matemika' sa kanyang mga kaibigan.
Dumating ang araw na pinakahihintay niya. Pinamigay na ng kanilang guro ang papel. Mabilis na natapos sa pagsasagot si Thor. Ni hindi siya gumamit ng scratch paper para magtuos. Lahat ng tanong ay dumaan lang sa utak niya. Isipin mo, ganoon siya kagaling!
Nang i-check na ang kanilang mga papel, laking gulat nila nang makakuha ng perpektong iskor si Thor. Ang kanyang tatlong kaibigan ay may isang mali. Ang mali pa nila, ay iyong mali ni Thor noong nagsasanay pa lamang sila.
"Wow leg, ang galing mo. Naitama mo ang iyong mga mali. Bilib talaga ako sa iyo," puri ni Cal sa kaibigan. "sinO, Cal. Gusto niyo ba ilibre ko kayo?" pangungumbinsi ni Thor sa mga kaibigan. "Sige ba, payag kami", sagot ni Que.
(sinO ang 'salamat' sa wikang Mathellican.)
Naglakad sila patungo sa pinakamalapit na quadrilateral. Um-order sila ng 'Chocolate Ganache a la Math at Pasta Fetuccini with Bolognese'. Pagkatapos makakain, umuwi na sila sa kani-kanilang mga tirahan.
(Quadrilateral ang tawag sa restaurant sa planetang Mathellica.)
Nang sumunod na araw, napagdesisyunan nilang manatili sa bahay nila Cal. Naiwan silang apat sa bahay. Biglang may nanloob sa bahay nila. "Irrationals." sambit ni Cal. Kaagad silang lumabas ng bahay ngunit bago makaalis, nadaanan pala nila ang isang alarm na kapag nadaanan ay may sasabog na bomba. At iyon na nga ang nangyari. Masyado silang bata para mamatay. Marami pa silang mga math problems na sosolusyunan.
(Irrationals naman ang tawag sa mga ekspertong magnanakaw sa Mathellica.)
Pagkatapos nilang mailibing, napageksperimentuhan sila ng mga eksperto. Nakagawa sila ng aparato na galing sa dugo nila bago ilibing at kaunting balat mula sa apat. Nakakapagtuos ito nang kusa. Hindi mo na kailangang gumamit ng papel at magtuos.
Nagamit ito ng mga taga-Mathellica ng matagal na panahon. At di nagtagal, dinala nila ito sa planetang misteryoso. Isang itong asul at luntian na planeta. Ito ay tinawag na 'Earth' o daigdig. Pumunta sila sa daigdig at ipinakilala sa mga tao ang aparato. Matalino ang mga tao kaya nakaisip sila ng angkop na pangalan. Naisip nila na ihango sa pangalan ng apat na bata na magaling sa Matematika. Tinawag nila itong CalQueLeiThor. Di naglaon, dahil sa salitang 'calculate' na ang ibig sabihin ay tuusin, pinangalanan itong CALCULATOR.
A/N: Fictional lang po yan. Baka pinawalaan nyo. HAHAHAHA. Salamat kay Camilla May Quiambao na pinilit akong i-publish 'tong kalokohang 'to sa Wattpad. Output lang po yan, gawa-gawa lang. HAHAHAHAHA. Lt po yung story. Wala akong magawa. HAHAHA. Ayun. Thanks sa kung sino man ang magkaka-interes na basahin to. WAHAHHAHAHAHAAAA.