Happy Three Friends

55 4 0
                                    

DEDICATED SA OPERATOR NI NICOLETTE. HAHAHAHAHAHA YIZ.

NOTICE ME SENPAI!

Si Lindsey, Nicolette at Dennise ay magkakaibigan.

Malamang, Happy THREE Friends nga eh. Kailangan pang ulit-ulitin?

Anyway, Ipinapakilala 'ko sainyo ang Tropang Anes, Single Ladies, at ang H3F.

~

Lindsey's Point of View

"Lindsey Pokpok! Gising na Hutabils Tanghali na!" Nagising ako sa Kadahilanang Umaalog ang Kama ko. Kasi may isang Matabang Babae ang Tumatalon dito. Tumayo ako at itinulak siya sa Sahig.

"Aray naman! Yung Pwet ko! Natatae panaman ako!" Sabi ni Dennise at siningkitan ako ng Mata.

"Wag mo 'kong Maganyan-ganyan ng Mata mo! Ikaw nga ang Bastos ng Bibig mo eh!" Binelatan niya ako saka humiga sa Tabi ko. Tinulak ko naman siya sa Sahig. Pero wala pala siyang Pakelam kahit gawin ko yun.

"Sey, Punta tayo kina Nics. Gusto ko na siya Mabisita. Di na tayo nagkaka-Bonding Tatlo dahil di na Tayo magkakaklase." Napabuntong Hininga ako sa sinabi nya. Tama. Nung Second Year kasi Kami, magkakaklase kami sa Section A. Tapos nagka-kumplikasyon nung nag Third Year. Nalipat kami ni Denn sa 3-B samantalang si Nics sa 3-C. Okay lang naman yun kasi magkatabi lang Kami ng Room, pero iba-iba Schedule naming Tatlo. Tapos bigla kaming nagka-Terror Teacher. Binigyan nya kaming Lahat ng Line of Seven sa First Grading. As in LAHAT kami na Handle nya na Section Line of Seven ang Nakuha sa Card. Kaya nung Nalaman yun ni Mama, pinalipat nya na ako ng School. Hanggang sa Paminsan-Minsan nalang kami magkita... Ayun. Tragic Story, I know.

"Kyot Dennie to Finnie, do you Copy, Over?" Winawagayway ni Denn yung Kamay nya sa Harap ng Mukha ko. Pinalo ko yung kamay nya tapos Binelatan nanaman nya ako. "So Halika na? Maligo ka pala muna. Ang Baho mo eh"

"Pero Bawal ako diba?" Sabi ko kay Denn ng Naka-yuko. Alam nya yung Dahilan ko... Alam nilang Dalawa ni Nics.

"Haay. Sabi ko na nga ba't di ka nanaman Papayag. Nicolette! Labas ka na galing sa Narnia!!!" Sabay bato nya ng Sapatos nya sa Wardrobe ko. Teka. Don't Tell me...

Biglang may Lumabas na Katawan mula sa Damitan ko at sobrang Pula ng Mukha nya. Humilata siya sa Sahig ko.

"Letseflan ka Dennise, Pasakit ka sa Buhay. Bakit ba ako pumayag sa Kagustuhan mo na magtago ako dun sa Wardrobe na yun na amoy Moth-Balls? Inis!" Sabi nya at Huminga ng Malalim na akala mo'y Tumakbo ng pagkalayo-Layo.

"Whoa" Sabi ko at hinawakan yung mukha ni Nics. "B-Bakit ka nandito?"

"Tara na nga Dennise alis na Tayo" Sabi ni Nicolette at hinila si Dennise sa Paa nya.

"Pero tinatamad akooo~"

"Lagi ka namang Tamad!"

"Oy Wag kayong Umalis!" Sabi ko at tinalunan silang Dalawa. Nagkaroon tuloy ng Dogpile sa Sahig.

"Fiiiinn! Ang bigat mooooo!!! Umalis ka diyan sa tuktok! Flat na nga yung Boobs ko lalo mo pang pinipisa! Letseflan!!!" Sabi ni Denn sabay tulak samin ni Nics. Ngayon baligtad na ang Sitwasyon. Ako na yung nasa ilalim tapos nasa Gitna parin si Nics at nasa ibabaw si Denn.

"Denn! Pare-parehas lang tayong Tatlong Flat Chested! Umalis ka na Litsi!" Tumayo na si Denn at humiga sa Kama ko. Tumabi naman sakanya si Nics. Tatabi narin sana ako ng Bigla nila akong itinulak. Ano ba ngayon? Tulak Day?

"Maligo ka muna Ples? Nakakahiya naman samin. Chupi na!" Inikot ko yung Mata ko tapos naligo na sa Nag-iisang Banyo ng Bahay.

Pagkatapos 'kong Maligo pumunta kagad ako ng Kwarto at nakita ko na wala na sila Denn at Nics. Biglang tumunog yung Phone ko.

Happy Three FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon