Chapter 13-MG

2K 75 0
                                    

Zyrus POV

Zyrus Garcia nga pala, Hindi gwapo hindi rin pangit. Wala kayong choice kundi gwapo na lang talaga.  Isa ako sa barkada ni Andrew na sobrang pangit sa amin.

Hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang sakit ng bahaghari ko. Damn! Parang nadurog ata. Sakitt. Gravih naman kasi ng babaeng yun. Daig pa ang boxengero.

Pasalamat lang talaga sya kasi at hindi ako pumapatol sa mga babae.. Tss..

Pero parang nakita ko na sya.. Saan nga yun?. Kasi may kamukha sya eh.. Saan ko nga yun nakita? May kamukha syang Gangster na pinakamalakas sa buong Asia..sino nga yun? Tsss..

Bahala na nga.. Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip..

Nandito kami sa mansyon na binili ni Tito Paulo ang Daddy ni Andrew.. Binili nya ito kasi para sa amin daw.. At isa pa Malapit lang daw ang school ng mga Marquez.. Kakauwi lang namin galing hospital...

Speaking of mga Marquez. Ang nakita ko lang nun ay yung mag-asawang Marquez na akala mo hindi pa matatanda dahil sa ang gwapo at ganda nila. Pero nung nabalitaan kung namatay na daw sila, kailan man hindi ko na sila nakita.

Nang pumasok na sa loob ng mansyon si Tito umayos naman kami ng upo dahil nakakahiya sa kanya..

"Oh mga iho, maiwan ko na kayo dito, kayo na ang bahala sa mansyon!" Ani ni Tito kaya tumango kaming apat sa kaniya.

Mabuti pa nga po. Nang makapag-saya kami dito na walang isturbo. Tsk.

"Ok po Tito mag iingat po kayo pauwi.!" Sabi ko..

Napailing na lang si Drew, hays wala man lang bang Concern ito sa Daddy niya. Loko talaga.

"Salamat Zyrus, oh sha.. Aalis na ako ha. Gabi na rin.." Tuluyang ng umalis si Tito..

"Sige po" sabay naming wika .

Nang masiguro naming wala na talaga si Tito dun naman tumayo si Drake at isa-isang pinagtatapon sa taas ang mga unan.

Yessssss....

"Hoooooo.. Bagong mansyon, bagong buhay!!" Sigaw ni Drake habang kumakaway pa na parng baliw.  Akala mo nasa isang concert ng Idol niya.

"GongGong.. Anung pinagsasabi mo dyan?!" Saad naman ni Drew sabay tapon ng Throw pillow si Drake.

"Wala.. Masaya lang ako dahil magkakasama na tayo sa iisang bahay.. Malaya na nating gawin ang lahat.. Hooo!" Sabi niya. Aba loko talaga.

"Para kang bakla dyan Drake, umayos ka nga!" Saway ko sa kanya dahil naiirita ako kapag nakikita ko siyang kumikindat.

"Kesa maki-pagdaldalan kayo diyan, bakit hindi na lang tayo uminom para naman, wala natung sakit na nararamdaman ko dahil sa babaeng yun!" Singit ni Nathan habang seryoso paring nakatungo. Dinadamdam niya siguro ang sakit kaya hanggang ngayon hindi pa makalimutan. Ako nga medyo na lang eh.

---

The Four Mysterious GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon