eighteen

812 30 0
                                    

"Seulgi, malapit na ang finals." masayang sabi ng coach namin.

"Sino po ba ang makakalaban natin?"

He giggled, "ang SPU."

"Ha?!" oa na sabi naman ni Moonbyul na kateam mate ko. "Ang gagaling nun, a!"

Medyo tumaas ang kilay ni coach, "hindi porket magaling sila, hindi na natin sila matatalo."

Napakamot naman sa ulo si Moonbyul at hindi nalang sumagot. Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na varsity ako ng basketball? Women's basketball. Captain ako kaya naman napepressure ako lalo dahil magagaling ang makakalaban namin. Pag nanalo kami, champion na kami. Alam kong mahihirapan kami sa makakalaban namin dahil sila ang champion last year.

"May tiwala ako sa inyo, girls. Kaya nyo yan. Aja!"
sabi ni coach kaya napangiti kami. Sana nga manalo kami. Malaking karangalan yun sa school na to kung mananalo kami.

Tumayo na kami nung matapos na ang meeting. Pinagusapan lang namin ang kalakasan ng magiging kalaban namin. Kung paano sila maglaro.

"Seulgi!"
nagulat ako ng makita ko si Irene paglabas ko ng school. Nakapambahay na sya. Late na din kasi kami pinauwi. Mga isang oras na din simula ng makauwi ang mga estudyante dito kaya naman malamang, nakapagpalit na ng damit si Irene.

Dala dala ang bag ko, tinanong ko si Irene. "Bakit ka nandito?"
tanong ko pa at nakita kong may dala pa syang ice cream.

She shrugged,
"May binili lang ako malapit dito. Teka, bat ngayon ka lang uuwi?"

"May meeting kami." I sighed. Pagod na pagod na ako. Gusto ko ng umuwi at humiga. "Uwi na ako, Irene."

Ngumiti sya sa akin. "Ok. Bye, Seulgi!"
sabi nya at nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi.
Walang sabi na tumalikod sya habang ako ay napahawak sa pisngi ko.

Unti unti nalang akong napangiti at napailing. Naglakad na ako habang nakangiti pa din.

bakit parang nawala ang pagod ko?

fuck it // seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon