Naranasan mo na bang mag mahal? Naranasan mo na bang masaktan?
Naranasan mo na bang umiyak ng ilang beses ng dahil sa iisang tao?
-
Ako si bash, at ang sagot ko sa lahat ng katanungan ay oo .
Naranasan ko nang masaktan dahil nagmahal ako. At alam kong nagmahal ako dahil naranasan kong masaktan.
Naranasan koring umiyak ng maraming beses . Kung nakakapag salita ngalang ang kumot,panyo at unan ? Malamang sinermunan na ako ng mga yan . */Sa lahat ng naging crush/boyfriend ko , si poy lang ang tumagal ,almost 3 years nadin kame.
Minahal ko naman talaga sya e , yun ngalang minsan sumasagi sa isip ko kung sya ba ung gusto kong makasama sa habang buhay.
Kung sya ba yung gusto kong sabihan sa harap ng altar ng salitang;
"yes father I DO".
Kung sya ba yung pinapangarap kong maging ama ng mga magiging anak ko.
Ung tipong parang hindi pako sigurado sa kanya?.Sa halos tatlong taon naming pag sasama . Siguro masasabi ko na walang araw na hindi kame nag away o nagtalo kahit pa sa mga maliliit na bagay.walang katapusang murahan, sumbatan at pagdududa nalang ang naaalala ko na nangyari sa relasyon namin, tila ba natakpan na ng malulungkot na memorya ang masasayang alala . Mas nangingibabaw na ang kalungkutan kaysa kasiyahan. Tila ba hindi na nagtatalo ang utak at puso ko kung dapat pabang ipaglaban o hindi na.
Pareho nitong sagot ay tama na.Oo mahal nyako ,mahal na mahal. tinuturing nya akong parang isang prinsesa na nakaupo sa isang trono habang binabantayan nyako laban sa mga kalabang magnanais na saktan at agawin ako..
Yun ngalang nasobrahan.
Naiintindihan ko naman na protective sya sakin dahil ayaw niya akong maagaw ng iba. Pero nakakasakal, nakakasawa, nakakapagod. Yung tipong parang hindi mo na magawa yung mga gusto mong gawin, parang feeling mo palaging may kokontra sa lahat ng magiging desisyon mo, tipong mga kaibigan mo aawayin nya at pagbabantaan ng kung ano ano pag may hindi sya nagustuhang ginawa nyo.
Oo, yes! Naging masaya ko sa piling nya pero , habang tumatagal nagbabago ang lahat. Nawawala na ang kilig na samin dati ay bumalot. Hindi ko na alam kung mahal ko pa sya o naaawa nalang ako dahil sa makailang beses na siyang nagmakaawa at umiyak sa harap ko wag ko lamang siyang iwan.
Ninais kong makawala sa kulungang bumilanggo sakin ng tatlong taon, ninais kong maging malaya at gawin lahat ng gusto ko ng walang pumipigil at nagbabawal sa akin. Gusto kong maging masaya. Gustong gusto ko ng makatakas sa isang patibong na bumalot sa akin na naghatid ng takot at lungkot sa buo kong pagkatao.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon,nangyari na!
sa wakas, sa tinagal-tagal kong pinangarap na makatakas sa isang kulungan na bumilanggo sakin ay nagawa ko rin! Nagkaroon din ako ng lakas ng loob na ipaglaban kung ano ang desisyon ko , napanindigan korin ang sarili ko.
Ngayon na nagkaroon ako ng pagkakataon hindi ko ito sasayangin,
Ipinapangako ko na magiging masaya ako sa desisyong aking napili. Mamahalin ko naman si bash na nawala simula ng minahal nya si poy. It's time for me to go and move on with a happiness :)./There is always a rainbow after the rain 🌈 .
kahit ilang luha ang pumatak sa mga mata mo , maniwala ka, may maganda paring maidudulot ito.Kung kinaya ko kaya morin ☺
Wag kang matakot sundin ang sarili mong desisyon. Trust your self 😍Tandaan mo: your too beautiful,hindi mo deserve na magpakatanga sa iisang tao. 😘