*PAALAM NA*

467 5 1
                                    

Ako'y magpapaalam na sayo,
Hindi dahil sa hindi na kita gusto,
Ako lang ay lalayo sayo,
Dahil alam kung nasaktan na tayo pareho.

Ako ay sumusuko na,
Dahil hindi ko na talaga kaya,
Alam kung nasaktan kita,
Kaya patawad na at pasensya.

Alam kung Masaya kana,
Peru hindi na Sakin kundi sa iba,
Alam kung sa akin ay nahihirapan ka,
Kaya ika'y aking pinapalaya na.

Mahirap man isipin,
Mahirap man tanggapin,
Kung yan nama'y nakabubuti satin,
Ito'y aking gagawin.

Alam kung masakit,alam kung Mapait,
Peru kailangan tanggapin ang sakit netong dibdib,
At alam kung di na din mauulit,
Kahit na anong pilit.

Nahihirapan man ako sa sitwasyon na ito,
Gusto ko lang malaman mo na Ikaw parin ang mahal ko,
Peru Kahit anong sabihin ko,
Alam kung di na mababalik ang dating tayo.

Bumuhos ang malakas na ulan,
Sabay sa aking matang luhaan,
Alam kung ako'y nasasaktan,
Kaya Malamang ako'y nahihirapan.

Sana sa pagtila ng ulang ito,
Wala  na ang sakit na nadarama ko,
Dahil alam ng sarili ko,
Na ako parin ay apektado.

Alam kung nahihirapan kana,
Sa sitwasyon nating Dalawa,
Kaya Malaya kana,
Dahil binibitawan na kita.

Sana maging masaya kayo,
Sa babaeng pinagpalit mo,
Wag mo syang saktan tulad ko,
Dahil mahihirapan din sya sa dulo.

At ang sabi pa ni 'kupido',
Hindi tayo ang itinadhana pareho,
Kaya ito lang ang masasabi ko,
"PAALAM NA" mahal ko.














––––––––––—————————




LOVE is sacrifice kasi hahaha xD









Oha!!! Sobrang emo eh hahaha LOL Sana nagustuhan nyo

Lab ko kayo

PAALAM NATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon