Chapter 45

16.9K 216 8
                                    

Chapter 45

Luna

 

Naglalakad na kami ni Jessie pauwi.

     Malapit na kami sa kanto namin noong biglang may nagsalita sa likuran namin. “Wow! Ang sweet ah?”

     Napalingon kami ni Jessie sa likod.Nakita ko ang isang babae na nakatingin sa magkahawak naming mga kamay ni Jessie. Hindi ko siya kilala, pero mukhang taga-ibang school siya kasi hindi ko naman siya nakikita sa school.

      “Ang sweet mo na pala ngayon, Jessie,” sabi niya ng seryoso ang mukha.

     “Trixie?” sabi ni Jessie. Tumingin ako sa kanya pero mukhang medyo namutla siya. Magkakilala sila?

     “Siya ba ‘yung bago mo ngayon?” Tumingin si Trixie sa akin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay biglang tumawa. “Bumabayata ‘yung standards mo sa isa na ‘to?”

     Inilagay ako ni Jessie sa likuran niya. “Mauna na kami.” Hinila ako ni Jessie paalis. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko ‘yung tensyon sa katawan niya.

      Mayroong mga lalaking lumabas at humarang sa daan namin ni Jessie. Bigla akong kinabahan. Pumunta si Trixie sa harapan namin at sumimangot kay Jessie. “Sa tingin mo ba, nakalimutan ko na ‘yung ginawa mo sakin? Noong nalaman kong bumalik ka galing America, hindi ako nag-aksaya ng panahon at hinanap kita agad. Kaya hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito.”

      “I’m sorry, Trixie, pero kailangan nang umuwi ng girlfriend ko.” Hinawi niya si Trixie para makadaan kami.

     “Makauwi? Ha! Natatandaan mo din ba ‘yung paghahatid mo sa akin sa bahay dati? Ginagawa mo rin sa akin dati ‘yan, Jessie!” sigaw niya.

     Napahinto ako. Parang biglang may kumirot sa puso ko. Kung ganoon, isa si Trixie sa mga ex ni Jessie? At ihinahatid niya rin siya dati sa bahay nila? Hindi ko mapigilang masaktan at magtaka. Pero hindi naman ako iiwanan ni Jessie, ‘di ba? Mahal niya ako.

     Napatingin si Jessie sa akin. “Luna.”

      “I can’t let you go... Hindi ka makakauwi hangga’t hindi ka nagbabayad sa pag-iwan mo sa akin! Pinaasa mo ko noon na mahal mo ako. Tapos noong tayo na ay bigla mo nalang akong iiwan?Hindi ko basta-bastang mapapalampas ‘yon, Jessie!” sigaw niya.

     Nagsimulang gumalaw ‘yung limang lalaki sa harapan namin. Lalong humigpit ‘yung pagkakahawak ni Jessie sa kamay ko. Maya-maya pa ay niyakap na niya ako. Pilit kinukuha noong mga lalaki si Jessie. “Jessie!” sigaw ko habang mahigpit pa din ‘yung pagkakayakap namin sa isa’t isa.

     Mayroon na ding lalaki na humawak sa akin hanggang sa makabitaw siya. “Luna!” sigaw ni Jessie.

     “Jessie!”Lumalaban ako mula sa pagkakayakap sa akin noong lalaki sa likuran ko. Pero hindi ko kaya, masyado siyang malakas para sa akin.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon