Una

9 0 1
                                    

Bata palang ako, uhaw ako sa pagmamahal ng isang pamilya, sa pagtrato nila sa akin. Minsan pakiramdam ko di nila ako anak, sana di nalang ako nabuhay sa mundong to pero hindi eh buhay na buhay ako, kahit ganun pa man mahal na mahal ko sila.

Di ko maintindihan bakit ganito sila sa akin, mula pagkabata ko di ko naramdaman na may isa akong pamilya pero buti nalang talaga andiyan yun taga alaga ko na si manang esmie mula bata ako siya na ang lagi ko kasama pag ako malungkot,masaya at higit sa lahat pag birthday ko. Yup 23 yrs.old n ako, lumayas ako kasama si manang sa bahay namin nung pagkatapos kong mag elementary dahil sa isang pangyayari na di ko alam kung paano, masakit marinig sa isang magulang na pinapaalis ka sa pamilya nila pero mas masakit marinig na di ka nila ituturing na anak kahit kelan dahil di naman daw ako anak nila,anak daw ako ng dati nilang katulong at sakto naman daw na namatay ang kasing edad kong anak nila kaya inampon nalang daw nila ako. Hanggang ngayon di ko malimutan ang eksena na yun at talagang napapaluha nalang ako pagnaaalala ko..

Nakaraan

Baguio City

kahit mahirap buhay namin ni manang okey lang atleast magkasama kami, nagtitinda ng gulay si manang sa palengke samantalang ako nag extra na maging  cashier sa isang fast food dito sa amin, pag gabi nag-aaral ako para kay manang gagawin ko lahat para matulungan ko siya kahit ayaw ni manang pero di niya ako mapilit.  Sa unang araw ko dito naninibago ako kasi ultimo kakainin mo hahanapin mo pa dahil wala kami kapera-pera that time
Dahil naiwan ko ipon ko sa kwarto ko dahil di na ako pwede pumasok sa bahay ng magulang ko dahil isa daw akong magnanakaw at sinasaktan ang anak nila,

RELENTLESS LOVEWhere stories live. Discover now