A/N: Hi so update nanaman meh. HAHAHA still no comments or something, hahaha sana mag ka comment na para malaman ko kung may DAHIL AT BAKIT na ba tayo :) pero hanggat wala tuloy tayo sa story nila :) act. wala akong maisip na isusunod HAHAHAH so mag bebase ako sa true to life :) hope you like it😁
----------
Sam's POV
I started to ask my self. Do I love someone seriously? I think...
Yukong yuko ako sa table ko.. Yan ba naman yung tanong na kailangan naming gawan ng poetry. Hindi sa hindi ko sya kayang gawin ang kaso alam mo yun? Loading sa utak mo bes kung sa iba pag love ang topic BUHAY NA BUHAY ang mga diwa, pero iba ako. I think pag lovelife more on sarilinin mo nalang, hindi ako mahilig mag share ng mga hugot na yan.
"Miss DelaFuente? May problema ?" Nakangiting tanong ni Miss Makasinag
"Wala po miss, " With matching pekeng ngiti, Letche talaga
Makalipas ang ilang saglit at pinapasa na saamn ang mga papel namin. Sa kasamaang palad. mag bubunutan ng papel at ipepresent mo yun sa harap.
"Sana wag ako brassy. Sana wag ako" dasal ni Anny. Isa sya sa mga katabi ko at mga nagging kaibigan ko na din dito.
Hindi ko nalang sya sinagot sa halip ay nanahimik nalang ako at inantay ng mga matatawag
"Crizelle Pasco?" Unang tawag ni miss.
I K A W A T A K O
Naaalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?
Baka nga limot mo na
Hindi naman kase ako ganun kahalaga diba
Hindi tulad nya
Oo tulad nya, tulad nya na bago mo na
Ikaw ang taong hindi ko aakalaing mamahalin ko
Pero ako, ako yung taong di ko aakalaing bibitawan mo
Dahil diba? May pinanghawakan tayong pangako
pangako na akala ko hindi mapapako
yun pala ay mapapako
Nung una ko kayong makitang dalawa
Tila may kakaiba na sa pag lapat ng inyong mata sa isat isa
Wag mong idahilang Kaibigan mo lang sya
dahil ako mismo nakikita ko sa iyong mga mata
kung gano sya kahalaga at ka espisyal Lalo na pag kasama mo sya
Mahal, babae din ako gaya nya,
hindi ako bulag para di Makita
na may nararamdaman din sya
hindi nya masabi sayo dahil may harang
oo may walang hiyang harang sa inyong dalawa
at oo ako yun ako yung harang na yun.
Pero mahal wag kang mag alala,
masaya kong makitang magmukhang kang tanga
ganyan talaga pag pinili mong mas sumaya
kesa harapin ang problema nating dalawa
mas pinili mong guminhawa sa piling ng iba
kesa magdusa ng kasama ako
alam mo ba bat ko nasabi ito
iisa lang naman
dahil madami kayong laman
oo madami kayong laman ng puso nya
pinili kong wag tong sabihin sayo
haaah! pakealam ko ba sa inyong dalawa
Lalo na sayo dahil mas pinili mo sya
wag kang mag alala mahal,
dahil mas masaya nako ngayon kesa nuon
kaya ang IKAW AT AKO ay isang ordinary na lamang na salita
wala itong hiwaga
dahil ang IKAW AT AKO ay wala ng TAYO
--Ikaw at ako--
Lahat kami ay literal na nakanganga sakanya matapos ng speech nyang yun.. Ay teka spoken words poetry daw pala ang tawag dyan.
Hindi pa kami makapag react hanggang sa maupo sya. Alam na aam at mararamdaman mo rin kase ang sakit at saya na napagdaanan at pinagdadaanan nya isa sya sa mga tahimik at minsan lang makipagdaldalan. Bookworm kumbaga tapos kung makapag spoken words mapapa PAKSHET ka nalang sa isip mo e.
Nakatulala padin yung Lec naming habang bumubunot ng papel. Pag taas palang ng papel, bumilis na ang tibok ng puso ko. Alam ko ang diin at format ng sulat ko, sheeeeee
"Zeus Sandler Steffan?" Napalingon pa si Miss dahil walang tumayo nung una
Nagulat naman ako, first time ko magkamali
Sa sulat ko, imposible namang may kaparehas ako ng sulat dito. Nagulat nalang kami ng may biglang may nakatayo na sa harapan.
"Mr. Steffan! Nice to see you again"
Nakangiti nyang bati sa kaklase kong nasa unahan.. hmmm may itsura sya ha, gwapo, mukhang matalino, malinis sa damit, itsura palang alam mo ng mabago sya.
Teka! Ano nanaman bang kabaliwan tong nasasabi ko!
Natigil lang ang pag iimagine ko ng magsimula na sya.
M A H A L
Mahal.... ito yung salitang napakasarap pakinggan
Lalo na kung galing sa taong labis mong hinahangaan
ngunit ganun nalang rin ang hatid nitong pait
Lalo na kung hindi ito para sayo.
tanda mo paba nung nakilala kita sa isang gulo
nakita mo ang pagkatao ko
pagkatao ko na sana hindi mo nalang nakita
dahil alam ko, hindi mo ito matatanggap
pero bago ko pa putulin o tapusin ang maigsing tulang ito
nais ko na makilala mo muna ako
ng husto
yung matinong ako.
kase isa lang ang sigurado ako
iba ang epekto mo sa pagkatao ko.
Lahat kami ang nakatulala sakanya matapos ng tulang iyon ang kaso at... Bakit saakin sya nakatingin? Inano ko ba sya? Tska bat ganto ang epekto nya? Iba e..
Tahimik padin ang lahat habang sya at papunta sa kanyang upuan. May kakaiba sa lalakeng ito . At gusto ko ako ang unang makaalam neto ...
-Hi guyssss!!!! So superlate update meh hahaha sana magbasa pa kayooo salamaaaaat!
-TheGhostWriter
YOU ARE READING
The bakitList BOY (ON-GOING)
RandomLagi bang babae nalang ang nasasaktan? Lagi bang babae nalang ang may hinanakit? Laging babae nalang ba ang may katanungan? Para sakin hindi. Until i met the DahilList Girl PS. Hindi nyo malalaman ang story pag sa umpisa lang kayo nagbabasa :)