The aroma of the coffee was filled in the whole Shop. Kay bango nga naman ng kape sa umaga. Napangiti ako habang nilalasap ang amoy ng kape ng biglang may humilamos sa muka ko.
napamulat ako at tinignan ng masama ang petsay na bumwiset sa araw ko. napasimangot ako ng tinawanan nya ako ng pag kalakas. tsk.
napatingin saamin ang mga customer na nag kakape sa aking munting Coffee shop. nginitian ko na lamang sila at nag peace sign,natawa na lamang at umiling iling sila dahil siguradong sanay na sila sa kalokohan namin ng bespren ko. mga suki ko na kasi yang mga yan, syempre binabalikbalikan ang kape kong napakasarap*flip hair*
"Ano na naman ginagawa mo ditong petsay ka!? malulugi negosyo ko sa'yo kakakape mo dine! di ka naman nag babayad!"Nakapamaewang na singhal ko. bumusangot sya at ginaya ang postura ko.
"Ene ne nemen genegewe me deteng petsey ka!?---" di ko na sya pinatapos at tumatawang hinampas sya. bwisit. kahit simpleng pang aasar lang nya,napapatawa na ko.
"oh edi tumawa ka din! Umagang umaga kasi naka busangot. nakaka bad vives yan!"
"heh!" singhal ko at pumunta na sa counter. napatingin naman ako sa unspoken booth. I made that booth para sa mga taong di kayang sabihin ang nararamdaman nila. may mga sticky notes na naka dikit,may mga love letters din na nakalagay sa mga sobre.
"sinusulatan mo padin ba si 'Dear B' mo kuno?"napatingin ako kay Leon. ngumiti ako ng mapait,kung alam mo lang. lumapit ako dito,pinag masadan maigi ng biglang umakbay sakin si leon.
'4/15/17
dear B.
Umaasa pa din ako
...Luna.'
'4/28/15
Dear B.
Nasasaktan na ko
... Luna'
'5/21/15
Dear B.
Mahal na nga ata kita
...Luna'
Napangiti ako ng mapait,its been two years, two years na akong nag mamahal sa isang taong manhid.
"Luna,tama na"he said. pity was evident in his voice. tangna. bat ba ako nahulog sa isang taong manhid? tama na,pero tanga yung puso ko at sinasabing 'kaya pa'
napatingin ako sa wall clock. 6:30 a.m.
heto na,inalis ko na ang pag kaka akbay sakin ni Leon at pumunta na ng counter. tumunog na ang chime hudyat na may pumasok. ngumiti ako ng malaki at binati ang pumasok.
"good morning eira! dating orader ba?" masiglang bati ko,dali dali naman na lumapit si leon sakanya at inalalayan sya. napatalikod agad ako at nag kunwaring nag titimpla ng kape. wooh syet.
"ah hindi luna e." mahinhin na sambit nya,napaharap naman ako ng may gulat na ekspresyon.