Chapter 1

17 0 0
                                    


"Monnique, will you Marry me?" nakaluhod nyang sambit, kasabay ng mga salitang yun ay ang walang tigil na pagpatak ng luha ko at hiyawan sa buong paligid.

"Yes, Baby." naiiyak kong tugon sa limang salitang binigkas nya kasabay nito ay ang pagsuot nya ng singsing sa aking daliri at pagdampi ng  kanyang mga labi sa aking kamay.

"I'll promise Baby na magiging mabuting asawa at tatay ako sa mga magiging anak natin. Mahal na mahal kita" naluluha nyang sabi habang nakapilig ang aking ulo sa kanyang mga bisig.

Ayoko ng matapos ang gabi, gusto ko pang ienjoy yung saya sa buong pakiramdam na nagpropose na sakin ang matagal ko ng kasintahan.

Bumuo kami ng pangarap, yung mga pangarap na alam naming kaya naming buuin ng kaming dalawa lang magkasama.

Ang saya sa pakiramdam mangarap kasama ng taong mahal mo.

Iniisip kong magiging isa akong mabuting may asawa sa kanya. Yung pagsisilbihan ko sila ng mga magiging anak namin. Yung magkasama kaming tatanda. Yung kahit anong mangyari wala kaming magiging problema. Hindi man maging perpekto ang kalalabasan atleast masusubukan naming dalawa.

Kinikilig ako sa isiping yun, pero bigla akong nakaramdam ng lungkot, galit at sakit. Yung sakit at galit na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

At hindi ko na nga namalayang may luha palang dumadaloy sa pisngi ko.

Nagpupuyos ako sa galit na halos mapunit na ang mga papel na hawak ko ngayon ng biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko.

"Come in" utos ko.

"Monnique, anong problema? Kanina pa kita tinatawag, nakailang katok na nga ako eh. Teka, Umiiyak ka ba?". saad ng Bestfriend ko'ng si Betty.

"No, I'm not. Napuwing lang ako". at bahagya kong inikot ang swivel chair na inuupuan ko ngayon paharap sa bintana habang pinupunasan ang muntik ng kumawalang luha sa aking mga mata.

Dumidilim na pala, ilang minuto nalang maguuwian na.

"Sabi ng secretary mo kanina ka pa daw hindi lumalabas dito. Hindi ka rin daw nya nakitang lumabas para mananghalian. Ano bang problema? Care to share?" pag aalalang tanong nya.

"Sabi ko naman sayo ayos lang ako. Masyado lang talaga akong busy ngayong araw para sa mga reports ko deadline na rin kasi lahat today. So, wala na akong time para lumabas at isa pa busog pa naman ako. Mamaya nalang siguro ako kakain sa bahay paguwi. Teka bakit andito ka pa? Out ka na dapat by 4 ah?" pagtataka kong tanong sa kanya. Hindi kasi sya masipag na tao kaya pag uwian nya na hindi na sya nag eextend at nakakapanibago nga na ala sais na pero andito pa rin sya.

"Ah, wala bestfriend. Actually nag enjoy lang ako magstay kasi may bagong empleyado na dyan mag ooffice sa tapat nitong opisina mo at ang yummy at gwapo nya! So I decided na magstay muna for atleast 2hours or kung ano oras ka man uuwi. Wala din naman akong gimik later eh hehe" kinikilig nyang sabi. Hay di na talaga sya nagbago sa kalandian nya.

"Ahh. I see. Hindi ka nga naman kasi talaga magstay dito ng dalawang oras kung wala lang haha." Nangingiti kong sabi.

"Ay syempre" mabilis nyang sabi.

"Iaayos ko lang lahat ito tapos pwede na tayong umuwi. Masyado na rin akong napagod ngayon at kailangan ko ng magpahinga". sabi ko habang iniisa isa kong kunin ang lahat ng papel sa aking mesa.

Hindi ko alam pero sobrang pagod na talaga ako. Hindi lang sa trabaho kundi sa lahat lahat. Parang wala ng sense yung mga bagay na gagawin ko. Well, I chose this kasi kung hindi, baka mabaliw nalang ako sa bahay pag mag isa ako. Hay ewan ang gulo.

Bigla akong nagulat ng biglang nagsalita si Betty. Andito pa pala sya at kanina pa ako pinagmamasdan.

"Monnique, Sorry pero ayaw ko sanang mag mukhang nangingialam pero since bestfriend naman kita hmm may dinadala ka bang problema? I mean, ilang araw na kitang napapansing laging tulala o di kaya aligaga. May problema ba?" Nag aalala nyang sabi.

Hindi ko na kaya at tuluyan na nga akong nilamon ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Hindi na ako dapat nasasaktan. Hindi ko na dapat sya naiisip. Isang taon na eh. Isang taon na rin dapat kaming magkasama bilang isang masayang mag-asawa.

Matagal kong inantay ang araw na yun eh. Matagal din naming pinangarap yun. Matagal naming plinano. Matagal naming pinaghandaan. Tapos sa isang iglap mawawala nalang na parang bula.

Ang sakit. Ang sakit sakit maisip na iniwan at pinagpalit nya lang ako.

But I know someday makakahanap ako ng lalaking magmamahal sakin ng buo. Alam kong darating din sakin si Mr. Right kahit na hindi ako ang Ms. Perfect sa mundong ito.

Alam ko at naniniwala ako sa kasabihang..

"The longer you wait for something, the more you'll appreciate it when you get it. Because anything worth having is definitely worth waiting for."

Don't Run From My Heart [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon