Ch. 2 - Friends na tayo

1.9K 67 34
                                    

“Mukhang malalim yata iniisip mo ah” lumingon si Julia sa likod at nakita ang nakangiting si DJ na naka board shorts at batman t-shirt.

“Malalim talaga; kasing lalim ng pool na yan” sabay turo ni Julia sa 10ft. Pool na nasa harap. Umupo si DJ sa kanyang tabi at ibinabad din ang legs sa tubig.

“Share mo naman para kahit papano gumaan pakirmdam mo” seryosong suggest ng binata.

“No thanks, kasi di mo rin naman maiintindihan.” umiling si Julia “Besides, di pa tayo masyadong magkakilala”

Umakbay si DJ sa dalaga “Alam mo, kahit di ko pa yan maintindihan, at least malalabas mo yang hinaing mo. Tsaka malay mo, mas maging close tayo sa pamamagitan ng pag share ng stories. Diba?” he stated as a matter of factly.

Napabuntong hininga si Julia at tinanggal ang pagkaka-akbay ni DJ sa kanya at natahimik ng ilang sandali na parang na-iisip ganun din si DJ.

“Si dad…” panimula ng dilag. Napasnap naman si DJ nang magsalita ito at tumango na parang he wants to hear more.

“tumawag siya at ayun, napagalitan naman ako…Pero sanay nako! Kaya wala yun’”

pag iwas ni Julia sa posibleng interrogation ni DJ.

“Ikaw kasi, napaka bad girl mo kaya ka siguro pinadala ng papa mo dito. Para magtino ka na!” pabibiro ng nakangising binata

“Whatever. Akala mo naman kung sino kang magaling.” depensa ni Julia

“Magaling naman talaga ako eh” proud na sagot ni DJ sabay turo sa kanyang sarili

Napasnap naman ng fingers si Julia at ngayon ay nakangiti na “Oo nga pala! Magaling ka sa isang bagay. Super galing mo dito promise” pinipigil niya ang tawa

Napataas ang kilay ni DJ at inilapit ang mukha kay Julia at nakangisi na pagkatamis tamis “Saan ako magaling? Sa pagpapakilig sayo?” sabay kindat sa dalaga

Nagkatitigan sila ang ilang segundo hanggang sa tinulak ni Julia ang binata papalayo at umiling-iling ang dilag. “Kapal din naman ng mukha mo” sagot nito “Alam mo DJ, magaling sa dalawang bagay lang. At iyon ay……..”

“PAMBOBOLA AT PAGIGING HAMBOG!” maiging banat ni Julia at tumayo para umalis

“Anong sinabi mo?” monotonong tanong ni DJ sabay pigil kay Julia sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay. Tumayo na rin ang binata at hinarap ang babae.

“Anong sinabi mo?” ulit niya at hinigpitan pa ang pagkapit sa kamay ni Julia.

“Narinig mo ko” malditang sagot ng dilag, di batid ang pangingirot ng kanyang kamay sa higpit ng pagkakapit ni DJ.

Binitiwan ng binata ang dalaga at napa balled into fists ang mga kamay ni DJ, napatingin siya ng napakasama kay Julia, at halos pumutok na ang mga ugat nito sa leeg sa panggigigil.

Biglang nakaramdam ng konting takot si Julia at dahan dahang umatras habang papalapit ng papalapit sa kanya ang parang nag eevolve na lalaki.

“Uy DJ, s-sorry n-na” nauutal na pakiusap nito ngunit di nakikinig ang kausap. Nang magkalapit na sila ni Julia, tumigil si DJ at ang galit na galit niyang mukha ay unti unting napalitan ng nakakalokong ngisi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer to Remember [JulNiel Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon