Paano nabuo ang aking Username sa Wattpad?
Paano nga ba to nabuo? Andami dami kong naiisip nung gumagawa ako ng account dito sa wattpad. Di ko na iisa-isahin kasi madami talaga. Swear.
Ito nalang. Wala na kasing choice. Yung iba kasi, may iba na daw gumagamit nun. Kaya ayun five star yung naisip ko.
Nung bata kasi ako, favorite ko yung five star na tigpipiso. Alam niyo yun? Kasi dati, wala pang tigpipiso na nips, kaya yun yung binibili ko..
Nung bata ako, meron kaming tindahan, minsan nagtataka nalang yung nanay ko kasi biglang nauubos yung paninda niya. Di ako umaamin. Hahaha!
Mama: Kabibili ko lang nito ah! (Tiningnan yung five star tsaka mikmik)
Ako: Di ko alam yan ah.
Patay malisya ang peg ko nung bata ako..
Kung ano namang takaw ko sa pagkain na fivestar, siya namang takot ko sa paputok na yun. Badtrip lang! Lagi nila akong tinatakot.
Piccolo lang yung pinapaputok ko nung bata ako eh.
Ayun na nga. I therefore conclude na gawing username yung fivestar, dinagdagan ko lang ng Letter S tsaka 001 para maiba naman.....
Usaping Kabataan
Alam niyo ba mga Mre mga Pre, kung ano ako ngayon, ibang iba nung kabataan ko.. Madaming sinasabi yung mga magulang ko sakin na feeling ko totoo. Pero napatunayan ko na naging utu-uto lang pala ako noon..
Nung minsan, hindi mas madalas noon mas gusto ko lumabas ng bahay kesa matulog. Alam niyo ba? May kwento nanaman dun yung nanay ko..
Mama: Hoy! Matulog ka, pag di ka natulog di ka lalaki.
Ayun, nasobrahan ata ako sa laki ngayon.. Haha! Tulog kasi ng tulog, kahit ayoko matulog tulog parin..
Madalas din nila sabihin na wag daw ako lumayo ng bahay kasi daw may nangunguha ng bata dun sa may kanto.. Pero alam niyo ba mga Mre mga Pre, Andaming kanto yung napupuntahan ko, wala namang nangunguha ng bata.. Tinataboy pa nga kami eh. Wag daw kami dun maglaro.. Putres parang pag aari nila yung daan..
Di rin naman naiiwasan sa pagiging bata yung sobrang sutil. Kung saan saan ako napapadpad nuon kasi gusto ko mapalago yung teks tsaka yung jolens ko eh.. Haha, tapos pag uwi nakaabang yung tatay ko sa pinto ng bahay.. Naku po! Pero di naman ako papaluin. Ang nanay ko pala ang papalo sakin.
Sa sobrang sutil ko din, puro sugat yung tuhod ko nung bata ako.. Iyak naman ako ng iyak. Pero siyempre di ako pinapagalitan ng magulang ko. Tinatakot lang ako..
Mama: Pag umiyak ka pa, may lalabas na tren diyan..
Ako nanaman naniniwala, titigil ako sa iyak! Tapos biglang bubuhusan ng alcohol. Putragis! Lumabas na MRT at LRT pati yung kahit anong uri ng tren! Iyak ako ng sobrang lakas! Ang sakit kaya nun..
Mga Mre mga Pre, madami pa kong ikukwento sainyo.. Wala pa yan sa kalahati ng naexperience ko nung bata ako... :)))
Usaping Lovelife
Bakit kaya sa panahon ngayon kahit grade 6 meron nang lovelife? Ganon ba kasabik ang kabataan ngayon?
O inggit lang talaga ako, kasi hanggang ngayon wala pa kong jowaers na matino!