Good day everyone. Love ko kayong lahat lalo na siyempre yung mga magbabasa nitong kwento ng aking buhay..
Sa pagpapatuloy.. Sana magustuhan niyo.. :))
Wala Akong Bestfriend!
Matanong ko, ilang friends meron kayo? Ilang bestfriends? Kung madami man, ilan sa kanila yung totoo? Ilan sa kanila yung plastic? Di naman natin mababasa yung isip ng mga tao diba mga Mre at Pre? So sa tingin niyo lahat ba ng friends or bestfriend niyo eh mamahalin? O BL lang sila. "Bangketa Lang"?
Yan ang katangi-tangi kong dahilan sa buhay ko kaya wala akong tinuturing na bestfriend. There's one, oo isa lang. Hahaha!
Malungkot ba talaga kapag walang bestfriend? Bakit ako, masaya naman ako kahit friends lang ang meron ako.. Atleast may gawin man silang di ko magustuhan, wala akong pake, di naman sila malaking bagay sa buhay ko eh.. :) Hahaha.
Alam niyo ba mga Mre at Pre, madami din akong tinuring na bestfriend nung highschool eh, pero anong nangyari? Nung college pag nagkikita kami parang wala na. Di na sila akin, may iba na kasi silang friends tapos madalas ako pa yung sinisisi nila. Kesyo ako daw yung di namamansin. Di yun makatarungan mga Mre at Pre! Hindi talaga! Pero ayos lang yun.. Di man sila matatawag na bestfriend, sila naman yung tropa ko. Mawala man sila, di ako masasaktan, malulungkot oo pero di ganon kasakit tulad kapag naiwan ka ng mga mahal mo.. Diba diba?
Di ko naman sinasabi to para lang di na kayo maghanap ng bestfriend. Wala lang. Yun lang yung walang kakwenta-kwenta kong pananaw. :)
Collect friends and treasure the real ones.
May nalalaman pa kong ganyan ganyan. Hahaha. Kaya mga Mre at Pre, friends ko kayong lahat! Mabuhay! Waha!
Usaping Kabataan
Mga Mre at Pre, ito na yung karugtong ng buhay ko nung bata pa ko..
Nung bata pa ko, di ko maintindihan kung bakit di ako pwedeng tumakbo eh. Sinasabi nila sakin lagi na wag daw akong tatakbo, naglaro pa ko diba? Kung di naman ako tatakbo, san naman kayo nakakita ng naglalaro ng sili-silihan tapos naglalakad. Edi burot ako nun. Hahaha
Tapos alam niyo ba mga Mre at Pre na kapag brown out samin nun, di kami pinagbabawalan lumabas ng mga magulang namin, samantalang pag may kuryente di kami pinapalabas. Medyo baliktad lang sila.. Hahahaha. Meron din akong tanong na di ko talaga nasagot nung bata pa ko..
Bakit kaya ako natatakot sa multo? Haha.
Madalas nila ako takutin noon na meron daw multo sa kwarto. May salamin pa naman dun. Ayun di tuloy ako pumupunta dun. Ang lakas lang makaputragis. Eh ako? Takot din naman. Hahaha! Kahit wala akong nakikita, feeling ko talaga meron. Bakit ganon. Tapos biglang sasabihin nila.
Papa: Wag kayong matakot sa multo kasi di naman yan nang aano. Dapat sa buhay kayo matakot.
Ako: (Iyak iyak)
Wag daw ako matakot. Eh bakit kasi nila ako tinatakot diba? Hahaha. Atsaka may nangunguha daw ng bata sa kanto kaya wag daw kami pumunta dun.. Eh kaming uto-uto di rin pupunta dun. Madalas namin sa mga kalaro namin..:
Kalaro: Oy walang lalagpas kila J****** ah. (Yung may ari ng bahay sa kanto)
Eh putek yung bahay namin katabi ng bahay sa kanto. Ano kaya yun? Walang ka-thrill thrill no? Hahaha. Pag lumagpas daw dun taya. Ang nangyayari tuloy, di nga kami lalagpas eh lumalabas naman din kami sa kanto.. Nakakarating pa ng likod bahay. Kaburyong! Haha