Paano ako sasaya ?
Kung ang puso koy pinaglaruan mo lang pala.
Bakit ako Hindi luluha?
Kung ako'y nasasaktan na.

Nagmahal lang naman ako.
Nagmahal sa Isang tao Na akala ko'y totoo
Nagmahal ng buong puso,
Ngunit pinaglaruan lang ng Isang katulad mo.

Ako'y nagbakasakaling mahalin mo
Mahalin, katulad ng pagmamahal ko saiyo
Ngunit ako'y nagkamali
Nagkamali sapagkat ako'y inibig mo ng ilang sandali.
Sandaling pinadama mo Na ako lang
Yung tipong Ako lang ang mahal mo at ikaw ang mahal ko.
Ngunit ako'y maling mali
sapagkat ako lang pala ang tunay Na umasa
Umasang mahalin mo
Ngunit anong ginawa mo?
Pinaglaruan at sinaktan mo ang tulad ko.


Pwede bang ibalik ang panahon?
Panahong kasama pa kita at tayo'y masaya
Panahong di mo pa ako nasaktan
Panahong may ngiti sa aking mga mata
Panahong lumipas at ako'y di pa pinagtaksilan.

Gusto kung maramdaman yung saya
Yung may karamay ako sa t'wing may problema
Yung may yayakap sakin kapag di ko Na kaya
Yung may magsasabing "okay lang yan, wag kang mag-alala mawala man sila andito pa din ako dadamayan ka"

Ngunit asan kana ngayong kelangan kita?
Andyan ka Kasama ka Na nilang masaya
Habang ako'y nasasaktan at may luha pa saking mga Mata.
Ang sakit malamang pinaglaruan niyo lang ako
Pinaikot-ikot sa mga Plano niyo.
Pinaniwalang may pakialam ka't ako'y mahal mo

Ngunit sa huling sandali
Gusto ko lang sambitin Na Sana wag kang magsisi
Dahil mahal kita mahal Na mahal kita noon
Noong tanga pa ako't naging sunod-sunuran mo
Ngayong kapiling muna siya.
Wag kang mag alala
Masaya ako sainyo sinta
Pakatatag kayo ha?
Kayong dalawang mukhang impakto't impakta 😂😂😘😘


Broken Hearted girlWhere stories live. Discover now