Ang kwentong ito'y gawa lamang ng aking imahinasyon nang ako'y naglalaro ng Clumsy Fish. Kusa lamang itong pumasok sa aking isipan at akin naman agad pinag-isipan at ako'y talagang nahihirapan sa pag-iisip kung paano ko ito uumpisahan.
Kung gusto mo man itong basahin tandaan lamang ang bagay-bagay: DON'T EXPECT. DON'T ASSUME. Baka ikaw ay masaktan.
Ang kwento kasing ito'y hindi kagandahan pero baka magustuhan mo naman.Thank you!
P.S
Sorry in advance for:
1.) wrong spelling (mahina ako sa spelling kahit tagalog)
2.) wrong grammar (mas mahina ang grammar ko sa tagalog kisa sa english)LIES
Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang sagutin ni Andrea si Jacob. Hindi masukat ang sayang nadarama ng babae sa mga sandaling iyon. Hindi nya lubos maisip na isang gaya ni Jacob Sy na gwapo at sikat sa paaralan nila ay magkakagusto sa isang simple at hindi masyadong kagandahang tulad niya.
Sa isang maliit ngunit magandang parke malapit sa paaralan ng magkasintahan ay matatanaw mo ang lambingan ng dalawa. Dito nagkasunduang idaos ng magkasintahan ang kanilang unang buwan na magnobyo. Makikita ang labis na pag-aasikaso ng babae sa lalaki na ikinatuwa ng lalaki.
"Mahal mo talaga ako noh?" seryosong sabi ng lalaki.
"Kahit hindi ko yan sagutin alam kong alam na alam mo ang sagot." nakangiting tugon ng babae sa lalaki. "Alam mo ang saya ko ngayon. Akalain mo umabot tayo ng 1 month." dugtong pa nito.
"Syempre. Mahal kita eh."
"Hmmmp! Totoo? E, bakit laging dikit ng dikit sayo si Marga slash malandi slash pangit slash hindi kayo bagay?"
Natawa lamang ang lalaki sa nakitang reaksyon ng babae. Kitang kita kasi sa mukha nito ang matinding selos.
"Alam mo Babe sa gwapo kong ito masanay kana na marami kang karibal." nakangising sabi ng lalaki at inirapan lamang ito ng babae. "Si Marga isa yan sa mga babaeng patay na patay sakin pero di ko kaya yan type. Ewwww, my Andrea na kaya ako." dugtong nito na hindi pa rin mawala-wala ang pagngisi.
Ang nakasimangot na mukha ng babae ay agad namang napalitan ng isang masayang mukha. Napangiti sya sa sinabi ng kasintahan. Lalo lamang napanatag ang kanyang kalooban na mahal sya ng lalaki. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na babaero ang kanyang kasintahan. Sa katunayan maraming beses na rin itong nagtaksil sa kanya at maraming beses na rin nya itong pinatawad. Sa kabila ng lahat laging ipinadama ng babae na mahal na mahal nito ang kasintahan at sinisigurado nyang mamahalin sya nito ng lubos.
****
"Hindi ko lang to pinapansin dati pero ngayon parang nakakahalata na ata ako ha. Bakit tuwing umaga lagi kayong sabay dumating sa school yang Kiko na yan ha?" salubong na kilay na sabi ni Jacob.
"Ano ka ba syempre magkapitbahay kami." tarantang sabi ni Andrea. Ayaw na ayaw nyang pinagdududahan sya ng kasintahan. "At isa pa bestfriend ko yan hindi mo lang alam."
"Oh." sabi ng lalaki sabay abot ng bulaklak sa kasintahan.
"HAHAHAHA. Bibigyan mo lang pala ako ng bulaklak Santan pa." patawang sabi ng babae.
"Huwag mong lait laiitin yang bulaklak na yan pinaghirapan ko yang pitasin" seryosong sabi ng lalaki. "Sya nga pala, sabay na tayong kumain ng lunch mamaya. Libre kita." nakangiting sabi pa nito sabay kapkap sa kanang bulsa.
"If i know sa mesa ng teacher natin sa Math mo to kinuha. Ilibre mo ako ng marami ha."
Tumawa lang ang lalaki sa turan ng kasintahan. Tama kasi ito. Kinuha lang nya yung bulaklak sa misa ng teacher nila.