Bukas Na Lang Kita Mamahalin
Written: Mz. Ninskie
Carlo. Basketball star. Brown eyes na may isang sobrang lalim na dimple! May itsura nga naman... ngayon ko lang napagtanto... hihi.. Ehwan ko nga lang ba kung bahket naging crush ng bayan yan. Kung alam lang ng mga people... Lakas mangtrip nito. Sobra-ang pasaway. Di pa lumilipas ang isang araw na di ako inaasar nito eh. At parang apoy toh... di dahil "he's hot! " kundi dahil lagi nyang pinapakulo dugo ko!
Irish. Akoh toh, kaya asahan nyo nang maganda ang sasabihin ko. Isa poh akong matinong bata na di masaway -- sa skwelahan lang (pa-good shot!). Adik sa trabaho -- kaya mahal na mahal ako ng mga teacher kong sobrang mangtambak ng gawain. Okay lang... dagdag good shot din un di va?
Kaming dalawa. Mainit dugo ko sa kanya, at wa care ako kung nanigas na dugo nya sa'kin. Break na kami eh. At ehto ang storya ng afterlife namin -- teka, parang patay un ah.. Uhlet...
Ehto ang storya naming dalawa...kasama ang mga saling tigre....at syempre, ang mga araw pagkatapos ng paghihiwalay...
1:
7:30 ng umaga. Saktong oras na yan, nakatayo na ko sa pintuan ng classroom namin, nag-aabang sa mga pasaway kong kaklase na suki na sa late. Syempre, ako may hawak ng attendance eh. Sa katapat na classroom, nakatayo si Rowan, may hawak din na attendance sheet... pero di yan nag-aabang noh, hinihintay lang nyan umalis ung mga adviser namin para makipagtsismisan.
Maya-maya, may napansin akong naglalakad sa hallway. Syempre, tingin ako -- sana pala hinde na. Ahyun ang recent ex kong pasaway, si Carlo, parang naglalakad sa buwan kumakain ng pandesal..
Ako: (tumigil sya sa tabi ko) Late ka nanaman
Carlo: Dumaan pa ko kina Aling Turing eh... Kita mo naman bumili pa ko ng pandesal... Gusto mo?
Ako: May CocoJam ba yan?
Carlo: May nilagay yata dito si Aling Turing..
Ako: Penge!
Carlo: (nilayo sa'kin ung pandesal -- parang susunggaban ko ah!) Yoko nga, makipagbalikan ka muna sa'kin.
Dahil lang sa pandesal?
Ako: Neknek mo! Di ganun kababaw kaligayahan ko noh. (tingin ako kay Rowan na nanonood lang sa'min) Oist, di mo ba papapasukin tohng pasaway mong kaklase?
Rowan: Ay nako, oy, Carlo, pumasok ka na nga.
Tumingin sa'kin si Carlo...
Carlo: Bahala ka... Ubos na tohng pandesal mamaya.
Pumasok na si Carlo sa classroom nila, at lumapit naman sa'kin si Rowan...
Rowan: Break na kayo, di ba?
Ako: Oo, bahket?
Rowan: La ka balak makipagbalikan?
Ako: Wala noh... Pagkatapos ba naman nyang makipaglandian ng todo to the max dun sa mukhang chimay na ung na parang laging bagong gising... Hmpf! (tingin ako kay Rowan) Bakit?