Chapter 1: His POV

30 1 3
                                    

n/a: Babalaan ko na agad kayo. Bawal sa mga bata ang mga salitang mababasa niyo. Haha!

--

Carlo's POV

"Puny*tang lalake ka! Anong oras ka nanaman umuwe! Nandoon ka nanaman sa kabet mong laspag!" Sigaw ni Aling Rosa na lumalabas na ang mga litid sa leeg at halos tumirik na ang mga mata.

"Hoy! Wag mong sinasabihan si Dina ng ganyan. Maganda siya. Kaya lang naman kasama kita dahil kasal tayo. Kung ligal lang talaga ang diborsyo dito sa Pilipinas nakuu~" Sabat naman ni Mang Ramon na halatang lasing at bukas pa ang tatlong butones nito.

"Ano?! Gag* katalagang lalaki ka kahit kelan. Uhm! Uhm! Uhhhm!!" Nanggagalaiting pinagpapalo ni Aling Rosa ng walis tingting si Mang Ramon.

Ginagawa nila iyon sa gitna ng daan. Oo. Gitna ng daan. Araw-araw 'to nangyayare. Pwera na lang kung hindi umuwi si Mang Ramon kundi sa bar sa ka-live in niya naman siya naninirahan. Mga kapitbahay? Ayun. nanonood. Parang teleserye lang na napapanood ko tuwing gabi. Ayun ako. Sa bahay na pinagtagpi tagping yero, plywood at kung anu-ano pa. Wala ng arte arte. Dahil bibihira lang naman ang sementadong establisyimento dito.

Ito ang Maynila. Tahanan ng mga basagulero. Squatter. Patapon. Lugar ng mga siga. Di naman talaga kami dito dapat nakatira. Kaso nanakawan kami nung pagbaba namin ng terminal kaya ayan. Nagsquatter na lang kami. Libre lahat. Jumper eh. Mahihiya? Bakit kami mahihiya? Ito ang uso. Kaya walang hiyaan dito.

"Haaay~ Buti ka pa Mary Jane Del Rosario-Cruz. Haay... Umuwi ka na dito sa bahay, babe. Namimiss ka na ng baby natin." Hahalikan ko na siya ng bilang.

"BENOOOOK!!! HALINA RINE AT KUMAEN!!!" Siya ang Nanay ko. The best siya. :)

"Opo! Pababa na! Haaay... Nabitin ka ba Mjmylovessosweet? Kiss? Oka--- -3-"

"ANAAAK! PIGILAN MO NA YANG PUSTER NA IYAN!!! LALAMIG NA ANG BAHAW!!" Si Nanay talaga. Ang corny

Corny. Haha.

Bumababa na ako. Tour? Wag na. Umikot ka lang ng 360° libot mo na ang bahay. Di naman masikip. Sakto lang.

"Bilisan mo kumaen at maligo na. Mahuhuli ka nanaman sa unang araw ng klase mo. Malapit na 'to matapos tas plaplantsyahin ko na yang uniporm mo." Sabi ni Nanay habang kinukulayan ng cutex si Aling Ema.

"Opo. Nay, wag na. Nilagay ko na sa ilalim ng papag yung polo ko kaya ok na siya." Sabi ko habang kumakain ng itlog na pula at bahaw.

"Nakuuu~ ang swerte ko talaga sa'yo. Kaya mahal na mahal ka namin ng Tatay mo eh." Sabi niya ng matapos na siya sa paglalagay ng kulay sa kuko ni Aling Ema.

"Naman. Haha! Si Tatay nga po pala?"

"Ayun at nagaapply sa malapit na karenderya. Magweweiter daw siya."

"Ahhhh..  Maliligo na po ako."

"Sige iwan ko na lang yung baon mo sa ibabaw ng ref. Ilock mo ang bahay. Maglalako pa ako sa kalapit baryo na'tin."

Si Nanay naman. Dinaig pa talaga ang filipino teacher eh. Hahaha! Ha? Ref? Ahhh... Oo may ref kami. :) Lalagyanan ng mga gamit na parte ng electric fan, ref at kung anu-ano pa. Hahaha!

After 20 mins. nakaalis na ako ng bahay. Haay... Kakaexcite. :))) Ano kaya ang ginagawa ni Mj(Mary Jane) ngayon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Him To The FullestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon