Dreams To Reality (One-shot BTS V Fan Fiction)

968 21 1
                                    

Tinignan niya ako at nginitian. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.

"....."

May sinabi na naman siya ngunit wala na namang boses ang lumabas.

Iniharap niya ako sa kanya at hinalikan.

~*~*~*~*~*~

"Misora! Nagdodrawing ka na naman! Samahan mo naman ako!"

Inipit ko yung lapis ko sa sketch pad. Ang ganda pa naman ng mood ko ngayon iistorbuhin naman ni Shein. Tumayo na ako at lumapit sa kanila ni Shaemi.

Si Shein Park, bestfriend ko since first year. Kam lagi magkasama kapag kasama ni Shaemi yung iba pa niyang mga kaibigan. Nakaka-OP kasi sila eh.

Si Sera Han, bestfriend ko rin since first year pero hindi kami masyado laging magkasama kasi masyado siya maraming kaibigan.

Ako naman si Misora Shin. Ang sabi nga nila, ako ang babaeng kadikit ng lapis at papel. Mahilig kasi akong magdrawing a halos oras-oras ko hawak ang sketch pad ko.

"Dinodrawing mo na naman ba ang iyong DREAM GUY?" Shein.

"Kailangan naka-emphasize ang dream guy?"

"Oo. Diba siya yung lagi mong napapaginipan at lalaki siya so Dream Guy," Shein.

"Ang korni mo Shein," Sera.

"Akyu ka Shaemi," Shein.

Nauna na akong maglakad sa kanila. Habang naglalakad ako may bumunggo sa akin. Nagkalaglaganyung hawak kong mga lapis at yung sketch pad ko.

Lumuhod ako para pulutin ang mga yon. Nang pupulutin ko na yung isang lapis ay sakto namang pupulutin niya din kaya nagkahawak kami ng kamay. Inalis ko agad ang kamay ko at siya abg pmulot nun at nagbigay sa akin. Tumayo na ako at nag-bow sa kanya.

"Sorry," sabi ko atsaka ako tumakbo papalayo.

Pagkarating ko sa classroom ay nandoon na yung dalawa. Sinalubong nila ako at tinanong kung bakit ang tagal ko at saan daw ba ako nagpunta. Isang tumataginting na dun lang ang sagot ko.

Umupo na ako sa upuan kong katabi ng bintana. Nagpalipat talaga kasi ako dito. Ang bintana namin ay tapat ng school garden kaya kitang-kita ang ganda ng mga halaman dun mula dito.

Naisipan kong buklatin ang sketch pad ko at tingnan muli ang mga drawing ko. Pagkabuklat ko sa bandang gitna ng sketch pad ko ay hindi ko nakita yung papel na inipit ko dun. Dun sa papel kasi na yun ko idinrowing yung hitsura nung lalaki sa panaginip ko. Pinilas ko yun kasi balak kong ulitin dahil masyado akong maraming mali duon. Pero naiwala ko naman.

"SSSSHEEEEEEIIIIIINNNNNNEEEEEEEEEE!!!!!!!!!"

Nagulantang ang buong classroom sa pagsigaw ko. Isa kasi akong tahimik na tao. Bakit ako sumigaw?

NGAYON LANG KASI NAG-SINK IN SA UTAK KO NA ISA PALA SA PINAKATATAGO KONG SIKRETO ANG MGA DRAWING KO NUNG LALAKING NAPAPAGINIPAN KO AT KAHIT SINA SHEIN AT SERA AY HINDI ALAM ANG HITSURA NUNG LALAKING YUN!

Opo, nagpapanic na ako.

"Shein! Nawawala yung drawing ko!"

"Huh? Anng drawing? Yung ano?"

"Oo! Oo!"

"Hahanapin natin?"

"Malamang kaya tara na!"

Tumakbo kami palabas ng room. Ayos lang makapag-cutting basta mahanap ko ang drawing ko.

"May nabangga akong lalaki kanina eh tapos nagkalaglagan yung mga gamit ko baka..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreams To Reality (One-shot BTS V Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon