Chapter 10 : Ritual of the Fire

11.3K 523 37
                                    

***

Nagmulat si Helena sa dilim. O nagmulat nga ba siya? Hindi niya maramdaman ang sariling katawan. Tila matagal na siya roon. Balot ng dilim. Walang ibang bagay na may buhay o gumagalaw sa kung nasaan siya.

Ano nga bang huling nangyari? Nasaan nga ba siya kanina?

Hindi niya maalala.

'Try to remember, Helena,' sabi ng isang tinig.

Pamilyar iyon. Ilang ulit na niyang narinig. Dati, nung natutulog siya, iyon ang tinig na gumising sa kanya. Noong dinampot siya ni West sa walang labang pagpapalutang-lutang sa dagat kung saan sumabog ang rest house sa Batangas, narinig niya rin iyon. At ngayon...

She retraced her thoughts. Rest house. Sa Batangas. Si West...

Mabilis na rumolyo sa isip niya ang mga pangyayari.

She woke up from a deep sleep. Nawala ang silver cord niya. Nagkaroon ng bahay ang astral body niya. At ang huli ay nasa rest house sila ni Samuel, trying to know what's going on. She fell into a trap. Wala si West. And the blue threads holding her material body snapped out. And now...

Ah... Nasa pagitan siya ng mga mundo. Which plane is it?

Sinuri niya ang paligid. Madilim. At ang kanina ay kawalan niya ng pakiramdam, napalitan ngayon ng hilakbot. Umalingasaw ang mabahong amoy. Amoy ng ipot at ng nabubulok na laman ng tao. Amoy ng mga hindi matahimik na kaluluwa.

Nasa lugar siya bago ang purgatoryo. Ang pagitan ng kamatayan ng tao. Ang lubos na kadiliman para sa mga isinumpang kaluluwa. The plane for the Untouchables or cursed souls. Sa lugar na iyon ay walang tinig at walang paningin. Pero nararamdaman niya ang galit ng mga kaluluwang naroroon. Hindi nila siya katulad. Hindi siya dapat naroon. At kung naroon siya, iisa lamang ang maaari nilang gawin; ang kainin ang esensiya ng espirito niya at gamitin itong lakas upang makatawid sa mundo ng mga mortal.

Naramdaman niya ang papalapit na mga kamay kahit hindi niya makita. Kumakalmot. Pumipisil. Sumasakal. Hindi siya nasasaktan. Ngunit bawat kalmot, pisil at sakal ay nanghihilakbot siya. Nawawalan ng lakas ang loob niya.

They eat your will, your desire to live and the essence of your soul. Alam niya iyon. Pero nananatili siyang biktima.

Bakit ako nandito? sa isip ay tanong niya.

'You're not dead, Helena. Not yet,' sagot muli ng tinig.

'Sino ka?'

'My body is in the same room with you. We've met before. We helped each other out.'

Sa isip niya ay iisang pangalan lang ang naroon: Amanda.

'Hindi ko maalala ang sinasabi mo.'

'Of course. Nang tinulungan kita, binawi ko ang espirito mo sa Purgatoryo. Just in time before your soul resign in resting in that plane. You won't remember now.'

'Anong gagawin ko ngayon?'

'You're a Drifter. And you're not dead. Drift back. Habang hindi pa nila nakukuha ang katawan mo. The ritual is starting.'

'Why are you helping me?'

'I've been requested to help you.'

'Sino?'

'An archangel. Gabriel.'

'Gabriel? The messenger of the Creator?'

'Do not fear, Helena. Believe.'

Madali sanang gawin iyon. Pero blangko ang utak niya at wala siyang maalala kung paano lumabas sa dimensyong iyon pabalik sa mundo ng mga mortal. Piniga niya ang ulo. Kailangang maalala niya.

The Drifter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon