i wake up again in the same room nung ...... nung narealize ko wla pala akong maalala .. how can i be so stupid? di ko man lang naisip na wla pala akong maalala .. kala ko di ko lang talaga sila maalala . wala akong kaalam alam sa lahat ng nangyayari . yung wla kang ibang mgawa kundi piliting maglabas ang isip mo ng alaala na wala . or i should say NAWALA ..
as my eyes roam around nkita ko yung doktor na nkatungo sa hospital bed na kinahihigaan ko ngayon .. nkapolo nalang sia . sino nga ba sila .. ni kahit clue man lang wala ako . para akong sumasagot sa unannounce quiz na walang review .. well mas worst pa ako ,kasi sa quiz may pinag.aralan kayo na pwede mong matandaan at mareview ee sakin wala . wla man lang iniwan .. para bang Pre-test . yung wala kang tlgang alam basta sagot nalang ..
inalala ko lahat ng nangyari . yung babae na si rhea na para bang may galit sakin at may ginawa akong mali saknya . si jake na mukang ang laki ng atraso sakin dahil sa itsura nya kanina at itong doktor na ito na masayang masaya nung mkita akong gising, na tila lahat nang tanong nia ay nasagot dahil sa paggising ko . sana nga ganun lang un ee .. sa totoo lang wala akong ibang masabi kanina . wala dahil nga wala akong maalala .
"raphy" nagtataka akong tumingin sa nagsalita . nagtataka kung ako nga ba ang tinawag nya .. masyado na ata akong na space out kaya di ko napansing nagising ko na sya .. nakatingin sya sakin so i assume na ako nga ang tinawag nya . so RAPHY pala pangalan ko .. :[
"sorry . nagising kita ." mahina kong sabi sakanya .. sino ang di manghihina sa nangyayari? yung wala kang makapitan . wala kang magawa . at para bang wala ka ring karapatang magsalita dahil wala ka naman talagang alam sa nangyayari sa paligid mo .
"no its not that .. masayang masaya ako . masaya ako dahil finally gising kana . " saya ang rumehistro sa kanyang muka . kitang kita ko sa mata nya . kung sana lang meron akong naaalala edi sana mas masaya . edi sana wlang problema .. ngumiti nalang ako saknya bilang sagot .
grabe lang, sa tatlong taong nakita ko parang ang paggising ko ang pinaka himalang nangyari . na para bang nabunutan sila ng tinik na matagal na nilang dala dala . na para bang sila yung taong hirap na hirap sa panahong himbing na himbing ako sa pagtulog . yung taong umasa na sana isang araw pag gising ko sasabihin ko sakanila na "EVERYTHING'S ALRIGHT . IM AWAKE NOW" but to my worst i woke up with nothing . nothing to comfort them .. nothing but a lost memory.
and silence cover the room . wala ni isang gustong magsalita . nagpapakiramdaman kami . actually ang dami nang tumatakbo sa isip ko . marami akong tanong na nangangailangan ng kasagutan . di ko lang alam kung saan ko sisimulan .. sana lang bago matapos ang araw na ito may tanong na nabigyan na ng sagot .
"kung wala kang maalala . hayaan mo ko . hayaan mong akong ang magpaalala sayo .." pagputol nya sa katahimikan . may determinasyon nyang sabi sakin . determinasyon na nagsasabing magtiwala ako sakanya at makinig sa lahat ng sasabihin niya .. tumango ako bilang pagsang-ayon sa gusto nya . sino nga nman ba ako para tumanggi di ba? ako na nga tong nawalan ng alaala .
"thank you for letting me .. ----- mahaba nyang pause bago nagsimula ulit " your RAPHY MENDREZ .. some people call you raph , raph-raph , Baby raphy . rhyming daw kasi . hahahahha .. raphael pag may nang.aasar sayo , raphaela pag. naiinis na si tito sayo " magsigla nyang simula pero sa dulo may naging malungkot na .. RAPHY MENDREZ that's may real name . raph pang tamad na tawag , raph-raph ginawa pa akong rapper , baby raphy sino nagpauso nun???? haisssttt .. raphael lalaki lang?? and raphaela --- tito? so somehow baka kamag-anak ko sya or close friend ."tito? so magpinsan tayo?" "no .. he's your dad ." ahhhhh daddy ko daw .. so close nga kami ..
"sa lahat ng sinabi mo ano ang tawag mo sakin dun?" pagiiba ko ng topic . curious lang . "huy! tinatanong kita .." tagal sumagot mukang nag.iisip pa kung sasabihin skin or hindi . "baby raphy" nakayuko nyang sabi sakin na mukang nhihiya pa .. huwat????? sya pala nagpauso nun ? pasabi sabi pa syang "daw" sya pala nagsabi . "bakit yun ung tawag mo sakin . ?" irita kong tanong . sino ba namang hindi maiirita .batang bata ang tawag sakin.. kahit na di ko alam ang edad ko pero feeling ko mga around 23-25 na ako ee . para magreact ng ganito dapat di parin ganun ..
"childish mo kasi ." pangaasar pa sakin . aba ! pasalamat sya wla akong matandaan . "ok i will tell you when it all started .. 6yrs..ago tinext mo ko noon na samahan ka mag.grocery recollection natin un kinabukasan . so sinundo kita at nagpunta tayo ng mall. dumiretso na tayo sa supermarket . gulat nga ako na halos mapuno mo na ung big cart . at pumila na tayo pra makapag.bayad . habang naghihintay hinalungkat ko ang mga pinamili mo . laking gulat ko na wala ka man lang binili para sakin kaya tinanong kita . asan na yung akin? .. laking gulat ko nang sabihin mo saking" nag.ayos pa sya na mukang aarte . nilagay nya yung kamay nya sa bewang nya sabay sabing .
"huh? anong sayo ?? akin lang to no!!!" yan daw ang sabi ko saknya? seriously?? yan tlaga ang sinabi ko? medyo selfish -_-
"grabe ka kaya nun . nasaktan ako sa sinabi mo ." sabay haplos pa sa dibdib nya . patawa sya infareness .
"at ayun na nga . tayo na ang nasa pila . naghanda kana nang pambayad at hinahanap na yung wallet mo .. di mo mkita yung wallet mo .. at bigla kang tumingin skin .. at dahil kilala na kita alam ko na ang ibig mo sabihin . kaya sabi ko sayo NO! . galit pa ako sayo nun kala mo ha ." may tampo pa nyang sabi sakin .. 6yrs na lumipas di prin nakamove on ? itong lalaking to .. hmmmm ewan .
"sige na .. plss . babayaran kita promise ! pagpilit mo skin nun .. grabe ang epic ng mukha mo nun . pra kang bata na pinagkaitan nang laruan .. naghintay pa ako nang onte kung ano ang gagawin mo .. at laking gulat ko nang hilain mo ulit yung cart pabalik . kaya tinanong kita kung anong ginagawa mo . at alam mo kung anong sabi mo nun" pabitin nya sakin .. loko to ako pa tinanong muka bang alam ko?
"syempre hindi sabi ko nga ee .. haisstt . yun nga . sabi mo sakin BABALIK KO NA TO . WALA AKONG PAMBAYAD EE . ahahahahhahahaha .. grabe yung muka mo nun . nalugi na ewan ee . pero hinatak ko ulit at ako na nagbayad .. habang pina.punch inakbayan kita at sabay sabing yung baby ko nagtatampo agad . kaya dali dali mong kinuha yung pinamili nang matapos at umalis agad . naabutan kita at mas lalo pa kitang bwiniset . baby stop na po . sabi ko sayo nun . hahahahaha .. inalis mo pa nga yung kamay ko nun sa balikat mo at tumakbo .. BABY RAPHY .. HOY !! WAG MO KO IWAN . BABY RAPHY !!! tawag ko pa sayo nun pero di kana lumingon ." tuwang tuwa nyang kwento . .. wagas!!! ako na bata . sabagay 6yrs ago na un . kya mas bata pa tlaga ako nun pero kung iisipin nakakahiya yung ginawa ko at ginawa nya . wlang hiya!! tawagin daw ba akong baby sa maraming tao kala nya sakin baby? oo nga sabi ko nga baby ang tingin nya sakin .. i wonder kung ano ko nga ba talaga sya at bakit parang ganun nalang ang trato nya sakin . at parang ang dami nyang alam ..
"so kung ganun . ano kita ? anong pangalan mo pala at sino ka sa buhay ko?" curious na tanong ko
"ako? ACE SANTIANO .. " pormal na sabi nya sakin at makikipag. kamay . grabe parang back to basic tong ginagawa namin . siguro nga ito ang dapat at tamang gawin sa ngayon .. inabot ko ang kamay nya at nakipag.kamay ..
"sino ako sa buhay mo .. driver slash adviser slash financer slash aparador pag p.e mo slash ref pag gutom slash shield pag papagalitan ni tito slash p.a pag ang dami mong dala . ay hindi pala kahit wala ka palang dala .slash knight in shining armor pag may nang.aaway sayo kahit na sa dulo ikaw parin ang nagtanggol sa sarili mo slash cheerer pag may kahit anong laban ka slash boyfriend sa lahat ng pagkakataon at PINAKAGWAPO , PINAKAMABAIT , PINAKADAKILA MONG BESTFRIEND . THE GREAT ACE" ngiting tagumpay nyang sabi sakin . ung totoo kaibigan ko talaga? parang OO nga . kaibigan ko nga tlaga . ahahahahha .. dami nya lang sinabi sa sarili nya kulang nalang magpatawag sya ng meeting at magtayo sya ng sarili nyang rebulto sa sobrang kadakilaan nya kahit buhay pa sya .
"alam mo ba kung gaano kakapal yung balat ng baka ?" taka syang patingin sakin na para nagsasabing seriously???
"ang alam ko lang makapal talaga sya bakit mo nman natanong " naguguluhang sagot nya sakin .
"true makapal nga . at kung gaano kakapal yun ganun din kakapal at katigas yung muka mo ." pabalang kong komento sakanya . san nya kaya nakuha lahat ng confindence nya ?? -_-
"raphy!!! huhuhuhuu nagbalik kna talaga " sabi nya sabay yakap sakin . luh? baliw ata to ee . umalis ba ako? pagkakaalam ko nakahiga ako dito at tulog pero di ako umalis . cguro nga nababaliw na sya .. tinapos nya yung yakap sabay ngiti sakin .. actually tawa na pala . tumatawa sya ngayon na parang ewan . kaya nahawa na rin ako nagtawanan kami sa di malamang dahilan pero magaan sa pakiramdam .. magaan ang loob ko skanya .
ilang sandali pa at bumukas ang pinto at nakita ko ang isang lalaking nakatayo at nakatitig samin ni ace
BINABASA MO ANG
when i woke up
General Fiction"my silence is not weakness but the beginning of my REVENGE"