2

1.7K 64 2
                                    

4 years have already passed since the day I told Jericho and Kristella that I don't like Migo. For all those years I became so in denial.

Now, I'm suffering from regrets. I didn't expect to fall from him. Ilang taon ko din tinago at tinangi ito kila Kristella. But look who's desperate? Who keeps looking for attention? Me.

" Sinasabi ko na sa inyo! ilang beses na. Hindi ko nga gusto ang kapatid mo!" Sabay hampas ng kamay sa lamesa. Ilang beses ko bang uulitin na hindi ko nga gusto ang kapatid nito. Tangina! Paulit-ulit nalang.

Tuwing makikita namin ang kapatid niya lagi nalang niyang sasabihin na gusto ko si Migo. Which is half true, kaso nakakatakot umamin lalo na alam mong di ka naman gugustuhin pabalik.

"Tanga napaka in denial mo pakinggan Kali halatang halata gusto mo si kuya." saying those words while eating my cracklings. Kapal talaga ng mukha.

"Alam mo? Kung ako ang may gusto. Aamin na ako. Remember? Gusto kita, umamin ako kahit na alam ko na di mo ko gusto." dugtong nito.

I never really imagined that someone like Jericho would actually like me. In facts na pinamukha niya talaga sa akin na dapat siya nalang at mamahalin niya ako ng buo.

"So you're saying that umamin ako sa kuta mo kahit walang possibilities na ibalik niya sa akin yung feeling na hinihingi ko?" I asked without thinking.

"See, edi inamin mo din gusto mo. Ano ba Kali, tatlong taon na tayong magkakilala. Kilala na kita. Kahit dinedeny mo samin ito ni Kristella e wala ka ng magagawa. Alam ko na gusto mo siya." sabi sakin ni Jericho.

I felt the awkwardness and the silence after he said those lines. I know I'm in denial, but for the facts na siya ang unang makakaalam na gusto ko ang kuya, alam kong nasaktan ito.

"Fine. You got me. Gusto ko nga ang kuya mo pero hindi ibig sabihin na dapat umamin na ako. Your brother is gay at para sa kaniya I'm his sister and student." then it suddenly hits me. Siguro kung hindi ako nagkagusto dito ay masaya siguro kami ni Jericho ngayon. Siguro ay hindi ako nagpapakatanga kakaisip dito.

"Kung ako nalang sana edi sana masaya tayo." He joked. I smiled and nodded.

" True stone." Then he laughed. Tinarayan ko naman ito at niyaya na umalis.

Di ako makapaniwala may ganitong side ang kupal na tamad na 'to.

Simula nung nalaman kong may boyfriend si Migo ay nawalan na ako ng pagasa. Lalo na iniimbita niya kami para dinner kasama ang boyfriend niya mamaya. Gusto niya na kasi ipakilala ito sa pamilya niya at sa amin nila Kristella.

At doon sa sinabi sakin nila Jericho? na landiin ang kuya niya? Hindi ko kaya. Sobrang laki ng respeto ko kay Migo. Kaligayahan niya ay kaligayahan ko na din. Ayokong ako ang magiging dahilan para maging malungkot siya.

After class ay agad akong dumiretso sa aking sasakyan. I should be ready for dinner later. It might be painful for me since makikita ko na ang kaligayahan ng taong mahal ko, but then again his happiness is my happiness there for I can't be sad.

Seducing My Girly Gay Teacher! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon