Hay Nako~

109 4 0
                                    

Ewan ko ba kung bakit type kita di ka naman maganda, di rin maputi, at higit sa lahat hindi ikaw ang 'Dream Girl' ko.

Hay nako~, mga katagang nasambit ko sa harap ng Facebook profile mo, hindi ko maintindihan ang puso kong ito, anak ng tupa naman kasi eh, ba' t ikaw pa, ikaw na hindi ganun kagandahan, ikaw na masyadong makapal ang buhok, ikaw na hindi maputi, ikaw na masyadong madaldal, at

Ikaw na minahal ko.

*****

'Felipe~', Hay nako! eto ka na naman, kung sa iba nakaririnding pakinggan ang napakatinis at mala dwende mong boses, sa akin ang boses mo ay katulad ng isang Anghel na pababa ng Lupa.

'Its Phi-lip' pagtatama ko sa pangalan ko.

'Tse! Arte arte, kalalaking tao', pagsusungit mo, hay nako~ ayan ka na naman sa mood swing mo, masaya, maya-maya konting pagtama lang sa pagkakamali mo magagalit ka, magsusungit, hay nako~ ewan ko ba kung bat minahal kita.

'Eh kung tawagin kitang MELCHORA?'

'Noooooo way!'

'See?'

'Tse! ewan ko sayo, diyan ka na nga!', hay nako~, alam mo ba nakakapagod ka din minsan, away bati na lang tayo parati, hay~ewan ko ba kung bakit di ako napapagod na mahalin ang isang katulad mo. (sigh)

***

Hay nako~ mahigit dalawang buwan na rin akong nanliligaw sayo, hay~ kailan mo ba ako sasagutin? Lalaki ako noh, walang pasensya, pero bat ganito? Hay~ Di ako nawawalan ng pasensyang mahalin ang isang isip batang katulad mo.

Cause if someday you wake up and find that your missing me~

Calling:  Melchora

Dali-dali kong kinuha ang Cellphone ko. Hay~ bat ganito, lagi nalang akong naeexcite mapakinggan lang ang boses mo kahit na napakatinis nito.

'Melchora?, oh? anong problema?'

'......' Hay~ eto na naman tayo tatawag ka kasi malungkot ka o may problema ka at alam ko umiiyak ka, kaya heto kakantahan na naman kita. Hay, kung di lang kita mahal.

Song:  "Hay Nako"

Hay Nako May pag asa ba ako?

Alam mo ba kung bakit ito ang palagi kong kinakanta sayo kahit na alam kong dapat pang senti dahil nga sa umiiyak ka,

Bakit pag kasama ka’y nahihiya

Di naman ako ganito pag may kasamang iba

Ngiti mo lang ok na

Kasi nga, gusto ko sa tuwing kausap o kaharap mo ako gusto kong palagi kang nakangiti, nakatawa.

Oras di ko napapansin pag ka text ka na

Magka insomnia na makausap ka lang

Mahal na kaya kita

Tama, kahit na napaka none sense mong katext, kahit pa Haha, Hehe, Hihi, Hoho lang ang reply mo, ayos lang...Kasi nga Mahal Kita.

Hay nako may pag asa ba ako

Hay nako may pag asa ba ako

Sabihin mo sakin kung trip mo rin ako

Hay nako. . . Woohh. . .

Hay nako may pag asa ba ako

May pag-asapa nga  ba ako?

***

(2 months later)

Hay~ maglilimang buwan na rin akong nangungulit, umaasa at nanliligaw sayo, hay~ kailan ko ba makakamit ang matamis mong Oo, kailan ko ba masasabi sa sarili ko na  'Hay! sa wakas kami na!' , hanggang kailan pa ba ako aasa?

Hay~ pagminamalas ka nga naman, mag aalas 8 na pero di pa rin natila ang ulan, malas talaga, walang dumadaang jeep o tricycle man lang.

*pshh* (Wag kayo, ulan yan Haha)

*splash..splash* (tunog yan ng mga tumatakbong paa sa basan g kalsada XD)

Hay nako~ pagkamalas malas malas malas malas ko nga naman oh.(sigh)

"OH! HI! FELIPE~!", (face palm) Hay nako~ Lord, mabait naman po ako ha, bat niyo po ako pinaparusahan ng ganito?

"At alam mo ba kaya basa-" wala akong naririnig, blah..blah..blah

"HAHAHA... Walang kwen..Hoy! *sundot sundot*"

"..."

"Felipe! Yohoo~"

".."

"Walanjo naman oh, kanina pa pala ako putak ng putak dito eh di ka naman pala nakikinig", ewan ko sayo, talk to your hand. Move on, move on, yan ang goal ko.

"HOOOOOOOOOOOY! ANO BANG PROBLEMA? HA?"

"Sige na Medina, mauna na ako sayo", sambit ko sabay takbo ng mabilis kahit pa ang lakas ng buhos ng ulan.

"FELIPE!", anak ni tekla naman oh melchora, bat ka ba sundo ng sunod, ha? aist, magkakasakit ka niyan eh, aist erase erase, wala na pala akong PAKI! sayo.

"HOOOOOOY! FELIPE!"

Lord, please naman po oh, paalisin nyo na siya, ako ang nahihirapang makamove on dito eh, Oo, Mahal ko siya pero malaking katangahan lang pala ang lahat ng pagmamahal na to eh. Bat b---

"NAKAKAINIS KA! *hampas sa likod* Napaka mo! *sub* NAPAKATANGA MO! NAPAKAGAGO MO! NAPAKAISTUPIDO MO! NAPAKAMANHID MO! kaya na..na.. napamahal kana sakin", Hay~ tignan mo sa kakaisip ko sayo di ko namalayang nasundan mo na pala ako.

Hay nako~ Kasabay ng pagdadrama nating dalawa ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hinarap ko siya, iniangat ang nakayukong ulo at pinitik sa noo, eh dapat ako ang magsabi ng mga katagang yan eh.

"Tanga *pitik sa noo* Gaga *pitik sa noo* Manhid *pitik sa noo* Pangit *pitik* madaldal *pitik* boses-dwende *pitik* chismosa . Yan! yan ka Maria Melchora Yllona San Gabriel kaya Mahal na Mahal kit---"

*muaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh*

'Shh,Nakakarami ka ng pitik, Mas Mahal kita"

*Insert Song here*

HAY NAKO~

Hay nako may pag asa ba ako

Sabihin mo akoy maghihintay sayo

Hay nako may pag asa ba ako

Sabihin mo sakin kung trip mo rin ako

Trip mo ba ako?

Para na kong tanga sabi nila

May exam pa bukas hawak ko iyong larawan

Sa iyo kaya ako papasa?

Hay nako may pag asa ba ako

Sabihin mo akoy maghihintay sayo

Hay nako may pag asa ba ako

Sabihin mo sakin kung trip mo rin ako

Trip mo ba ako?

Woohh. . . Woohh. . .

-End-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hay Nako~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon